Chapter 19

7.3K 428 156
                                    

Pagsinabi kong magbo-bonding tayo, magbo-bonding tayo! Hahah. Walang iwanan syempre.

Trigger Warning: Sensitive content below. Read responsibly. Please skip this chapter if you are going through a rough time. 

_________________________

Nanginginig ang katawan ko pagkapasok sa elevator niya. Hindi na kinaya ng tuhod ko ang panghihin.  Napaluhod ako at tuluyan ng bumigay. Ang mga hikbing kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng kumawala. 

Iyak lang ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung may makakarinig man sa akin. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Awang-awa ako sa sarili ko. Puno ng kalmot ang braso ko. Humahapdi ang anit ko. Pakiramdaman ko namamanhid ang buong mukha ko. 

Pero lahat ng sakit na yun ay hindi mapapantayan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Nanghihina ako sa sakit. Literal na sakit na parang may kutsilyong sumasaksak doon ng paulit ulit.

Bakit kailangan kong maranasan  lahat ng 'to?

Nagmahal lang naman ako. Nagtiwala at umasa pero bakit ganito?

Lintek na pagmamahal. Sana pala hindi na ako naniwala na may taong darating para mahalin ako. Sana nakuntento nalang ako kung anong meron ako. Hindi yung ganito, pinaasa lang ako, pinaibig at kung kailan binuksan ko na ang puso saka ako iiwan. 

Napakasakit. Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Ngayon palang hindi ko na alam kung kailan ulit ako makakabangon, kung kailan ko ulit ito malalagpasan. Tahimik naman na sana ang buhay ko eh. Pero bakit pa kasi ako umasa? Bakit ko pa kasi hinayaang may makapasok sa buhay ko para lang guluhin ako?

Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa ibabang palapag na ako. Pinahid ko lang ang luha at diritso nang naglakad palabas ng elavator. Magulo ang buhok ko, hindi ko alam kung nasa ayos pa ba ang suot ko.

"Oh ayan na pala ang traydor."

"Buti nga sayo!"

"Kulang pa yang kalmot at pasa sa lahat ng ginawa mo!"

Balewala na sa akin ang mga salitang narinig ko mula sa mga tao sa paligid. Diritso lang ang lakad ko. Hindi ko na alintana ang mga tinging pinukol nila sa akin. Ang gusto ko nalang ngayon ay makalabas at makalayo dito. Gusto ko nang makauwi sa mga bata. 

Mas kailangan ako ng mga bata ngayon. Kailangan pa naming maghanap ng bagong matutuluyan. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanilang mahina ako. 

"Ma'am Chiara..." Si Manong Dom. Kita ko ang awa sa mga mata niya pero kahit luhaan nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya. " Ihahatid na kit--"

"Salamat Manong, pero kaya ko na po." Mahinang sabi ko.  Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako sa kanya. 

Lakad takbo ang ginawa ko. Lahat ng mga taong nakakasalubong ay napapatingin sa akin. Wala pa ring ampat ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. 

Tama na. Parang awa mo na, tumigil ka na sa pag-iyak. 

Kastigo ko sa aking sarili pero lalo lang dumami ang aking mga luha. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Pinupokpok ko ang aking dibdib, umaasa na sa ganung paraan maibsan ang paninikip nito pero lalo lang akong nahihirapan. Habang tumatagal lalo kong nararamdaman ang sakit.

Bakit ang sakit? 

Ayoko nito, sobrang sakit.

Tama na, please maawa ka.

Hindi ako pwedeng makita ni Luningning, Milagring at Mariposa na umiiyak. Ayokong masaktan ang mga bata. Hindi ko kayang makitang nasasaktakan sila dahil sa akin. 

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now