Chapter 39

9K 512 347
                                    

Parang kailan lang nung sinimulan ko 'to. Thank you all for making it this far.

Love to hear your thoughts below, AVAngers!

Enjoy reading! Happy weekend!

_________________________________

Lumipas ang mga araw at nagpapasalamat ako dahil walang nangyayaring masama sa mga mahal ko sa buhay. Si Nanay at Tatay ay nakausap ko na ng personal. Alam na din nila ang tungkol sa kapatid ni Tatay Nestor. Si Lolo Doming naman ay nagpapatuloy sa pagtatrabaho sa dairy farm.

Patuloy pa rin sa pagbabantay ang mga tauhan ni Gustavo sa kanila. Nagdagdag din ng mga tauhan si Kuya Gaden mula sa agency nya at nagpapanggap na mga tauhan ng hacienda para hindi mahalata.

Samantalang ako ay tuluyan nang hindi bumalik sa pagtuturo. Bumisita lang ako ng isang beses sa paaralan para pormal na magpaalam sa mga estudyante ko at sa mga kasamahan kong guro. Hindi din ako nagtagal sa paaralan dahil na rin sa payo ng Tito ko na wag munang maglalalabas. Sa ngayon doble ingat kami dahil hindi pa alam kung sino ang mga kalaban. 

Sa cabana pa rin ako namamalagi. Paminsan-minsan dumadalaw ako sa bahay ni Lolo Doming.  Si Gustavo araw-araw na umuuwi sa mansyon nila pero sa gabi sa cabana kami natutulog. 

Hindi pa rin alam ng mga magulang nya ang tungkol sa akin. Pumayag na sana akong ipakilala nya ako sa mga magulang nya pero may mga pangyayaring hindi namin inaasahan. Tungkol kay Gaston at sa bababeng maganda na kasama nya doon sa kakahoyan na ngayon ay asawa nya na. 

Masyadong mahaba ang kwento, basahin niyo na lang sa story ni Gaston. Hahaha!

Napagdesisyonan kong Ipagpaliban nalang muna ang pagpapakilala ng sarili ko sa mga magulang. Pero siguro sakto lang din na nangyari yung mga nangyari dahil hindi ko rin naman alam kung matatanggap ako ng Mamá nya lalo't balita sa buong sulog ng hacienda na galit ngayon ang senyora.

Instead of meeting his parents I prepared myself for something else. Something that I should have done before.

"Good morning, Ma'am—" I greeted smiling but the receptionist cut me. 

"Do you have any appointment?" She asked in a hard tone when I stood in front of her. 

I don't have any appointment. No one knows that I'm coming today. Even Damon, I didn't inform him. 

 I've decided to do it alone, in my own terms. No one knows that I'm 'visiting' my mom's company today.  The company she started before she left to be with my Tatay Nestor. 

I came in Leviste's Group of Companies building, alone. Gustavo is busy today, he said he had an emergency meeting. Nagkaproblema sa ibang business partners nila dahil sa nangyaring biglaang pagpapakasal ni Gaston sa iba. 

"If you don't have any appointment you can leave. Wala kaming hiring ngayon. Guard!" Sunod-sunod nitong sabi. Saglit na nablangko ang utak ko. Hindi ko inaasahan na ganun ang bungad sa akin. 

"What? I said leave. You don't have appointment right? Manong! Ano ba?!"

I didn't say anything. I waited for the old guard come near us. He didn't see me when I came in because he was busy assisting the other visitors whose coming out of the building. 

"Yes Miss Kaye may problema po ba?" Manong asked politely but the receptionist just rolled her eyes on him. Maldita!

I was on the verge of punching her face but I have to control myself.  I took a glance at Manong guard and smiled apologetically  but when he saw my face his eyes widen in surprised. I saw recognition. Seems like he knew me. 

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now