Chapter 33

6.9K 415 237
                                    

"I'M SORRY." 

I cried painfully, realizing the mistake I did. I judged him without hearing his side. 

"I'm so sorry, Gustavo. I'm very sor—"

"Don't." He said, hugged me tightly in his arms and gently caressed my back. "It's okay, Baby. Shh. Stop crying, it's okay. I understand. I'm not mad. You are just hurt that time."

Lalo lang lumakas ang mga hikbi ko. Inaasahan ko na magagalit sya sa akin, na susumbatan nya ako pero mas pinili niyang unawain ang mga maling desisyon na nagawa ko. 

Isang malaking pagkakamali ang aking nagawa. Hindi ako dapat naniwala sa doktorang yun. Dapat tinanong ko muna sya kung totoo ba o hindi. Dapat hindi ako basta nalang nagpadalos-dalos. Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin. 

I feel bad. Really bad. 

Hinayaan ako ni Gustavo na umiyak sa mga bisig nya. Walang akong sumbat na narinig mula  sa kanya. He's just there comforting me in silence. 

Hanggang  sa kumalma na ako. At kahit  papano naibsan ang bigat na dinadala ko dito sa aking dibdib sa loob ng mahabang panahon. 

"Uuwi na ako." Sabi ko sa kanya ng mahimasmasan ako. Kusa na rin akong umalis sa pagkakayakap nya sa akin. Ayaw nya pa sana pero lumayo na ako. 

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pero dama ko ang intensidad ng mga titig nya sa akin. Hindi nya pa rin pinapaandar ang sasakyan niya. Tila may gusto itong sabihin. 

Tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko ito sinagot. Sigurado akong si Damon na naman ang tumatawag. Alam kong mamimilit na naman itong makipagkita sa akin. Wag ngayon.

"Tara na. Baka hinahanap na ako ni Lolo." Sabi ko nang hindi nakatingin kay Gustavo. Ayokong salubungin ang mga mata nya. Dahil baka muli lang akong iiyak kapag nakita ko ang emosyon doon.

Tinutok ko ang paningin sa labas, pababa na ang araw. Nagkukulay kahel na ang ulap. Maraming mga ibon ang nagliliparan pabalik sa mga bahay nila. Ang mga halaman ay sumasayaw dahil sa ihip ng hanging panghapon. 

Narinig ko ang malakas nyang buntong hininga. Hinintay ko na magmaneho ito para makaalis na kami pero hindi pa rin ito gumagalaw. Nakatingin lang sa akin. Walang balak na umalis. 

Sinulyapan ko sya at nagulat ako nang may nilabas ito mula sa bulsa ng pantalon na suot nya. 

Isang singsing.

A round brilliant cut diamond ring. The same ring he gave me before.

I can't believe that it was still with him. It's been years.

"Gustavo." Napakurap ako. Marami akong gustong sabihin pero parang nablangko ang utak ko. Walang salitang namutawi sa aking bibig. Nakatingin lang ako sa kulay asul niyang mga mata. 

Inabot niya ang kamay ko. Dinala sa kanyang labi at masuyong hinalikan ng halik ang mga daliri ko.

"It's still you, always been you." He whispered under his breath.  Nakatingin lang ako sa kanya. 

Tinihaya nya ang kamay ko at tiningnan ang markang naiwan doon. Walang siyang sinabi kahit ano pero nakita kong mariin itong pumikit. Sa pagdilat nya tumingin ito sa akin. Kasabay nun ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mata.

"I'm sorry," Ang mga luhang nakadungaw lang sa mga mata ay tuluyan ng nahulog. "I'm very sorry, B-baby..." Nabasag ang boses niya kasabay nang mahigpit nitong yakap sa akin.

Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog ng katawan nya at ang mahihinang hikbi. Hindi ko na rin napigilan ang sariling maluha. Sa loob ng mahabang panahon ngayon lang ulit may nakapansin ng markang yun.

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon