Chapter 26

7.4K 378 172
                                    

Present time...

***

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi sa sobrang pag-iisip kung bakit sya andito ulit. Bakit ginugulo na naman nya na naman ako? Tahimik na ang buhay ko. Pinaubaya ko na siya pero bakit ba nagpakita sya ulit sa akin ngayon?  

Ang dami kong katanungan sa aking isip. Gulong-gulo ang utak ko. Nasira na naman ang sistema ko. Ang resulta, mataas na ang araw ng magising ako at medyo masama ang aking pakiramdam. 

Saan na kaya ang lalaking yun ngayon? Umuwi na kaya ito? Dito kaya talaga sya natulog kagabi?

Nauulinigan kong may nag-uusap sa labas ng bahay at parang may lumalagitik na para bang tunog galing sa pagsisibak. Ang aga namang nagsibak ni Lolo at sino ang kausap nya?

 Kailangan ko na palang bumangon para maghanda ng agahan namin. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Kahit na medyo nahihilo pa ako lumabas na ako ng silid. Tinali ko ang mahabang buhok, naghilamos at nagtoothbrush bago ako nagpakita sa kanila. 

"Tama na yan, Senyorito. Madami-dami na itong mga nasibak mo." Si Lolo Domeng na sinasaway na ang pawisan at walang damit pang-itaas na si Dragustavo Orion 'gurang' Sandoval na ayaw pa atang paawat.  Hindi pa pala umuwi at nagpapabida na naman. 

I doubt kung sa mansion nila nagsisibak 'to. Malamang sa malamang hindi! Yang mukhang yan? Hindi nga yan nauutusan ng mga kapatid niya eh. I'm sure sa bahay nila nagmamando lang ang gurang na yan. Tapos dito sa bahay ni Lolo nagkukunwaring mabait. Apaka plastik talaga.  

Ito ang ang naabutan kong tagpo sa labas ng bahay. Si Gustavo may hawak na palakol. Walang suot na t-shirt, sweat pants at naka tsinelas na pambahay. Kumikintab ang pawis sa basang katawan nito na natatamaan ng sikat ng araw.  

"Kulang pa nga itong mga sinibak ko Lolo Doms. Di ko pa nasibak ang apo niyo." 

Ano daw?!

"Senyorito?"

"Ahm, I mean hindi ko pa naipagsibak ang apo niyo Lolo. Siya po ata ang nagluluto para sa inyo?" Nakangiting sagot nito kay Lolo.

Bastos talaga ang bunganga ng gurang 'to. Hindi niya pa niya ako nakikita pero ngayon palang gusto ko syang targetin ng tsinelas na suot ko. Nakangisi pa. Akala niya naman may nakakatawa sa mga sinabi niya. 

"Ikaw talaga Senyorito, akala ko kung ano yung sinabi mo." Sagot naman ni Lolo sa kaniya na tinawanan lang ng lalaki  bago nagpatuloy sa pagsisibak. Bubulong bulong pa ang gago at nangiti sa sarili niyang kalokohan. 

Nagpatuloy ito sa pagpapabida kay Lolo at si Lolo Domeng naman mukhang tuwang -tuwa pa sa kanya. Eh, kung sabihin ko kaya kay Tatay Dom na nagkita na kami ulit ng dati naming amo?

Siguro 'pag ginawa ko yun, mamayang hapon lang andito na silang dalawa ni Nanay. 

"Ako na naman Senyorito, magpahinga ka muna."

Dapat hindi na ako nakikisilip dito eh pero para naman akong tangang hindi maalis alis ang tingin sa kanya at sa pawisang katawan niya.

Hmp! Nagyayabang di naman kagandahan ang katawan. Anong nakaganda dyan sa mga muscles sa braso niya na parang may sariling buhay na gumagalaw sa bawat hataw niya sa palakol? Katakot kaya, parang katawan ng palaka.

Tsaka hindi naman maganda tingnan ang mga ugat-ugat niya sa kamay na parang nagha-hi-hello sa akin.Para kayang mga bulate na batsa nalang gumagalaw. Yuck!

Isa pa bakit kailangan talagang nakahubad? Magsisibak lang ng kahoy kailangan talaga walang damit pang-itaas? Bakit si Lolo kapag nagsisibak hindi naman naghuhubad ng t-shirt?

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن