Chapter 13

6.7K 417 199
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang linggo ay naging buwan, ang buwan ay naging taon.

Nagawan ko ng paraan ang pag-aaral ni Luningning, Milagring at Mariposa. Nagpatulong ako kay Sir Gustavo para makakuha ng mga dokumento nila. Nakakuha kami ng birth certificate nilang tatlo at yun ang ginamit ko para makapag-enroll sila.

Nasa grade 5 na silang tatlo ngayon. Pagkatapos nilang mag-grade-1 noong isang taon pinatake sila ng exam at pinalad na makapasa kaya ngayon ay nasa grade 5 na sila.

Nakapag-enrol din ako sa ALS. Nakuha ko ang mga dati kong papeles na sya ring ginamit ko. Sabado at Linggo ang pasok ko. Nagtake ako ng exam nung nakaraang taon at pinalad din ako.

Gabi-gabi kaming nag-aaral apat. Tinuturuan ko silang tatlo sa mga aralin nila. Tinatyaga ko ang pagturo sa kanilang magbasa at magbilang. Mabuti na lang din at masipag silang mag-aral.

Alam kong malayo pa, madami pa kaming kailangan pagdaanan pero kahit papano masasabi kong umuusad kami.

Malayo pa, pero malayo na. Yung ang palaging sinasabi nilang tatlo sa akin. 

Ngayon marunong na ang mga bata magbasa at magsulat. Nakakapagsalita na rin sila ng ingles, hindi ganun kagaling pero kahit papano marunong na. Marunong na din sila magbilang. Hindi na 12 ang sagot nila sa 6+9.

Marami na silang alam nadagdagan din ang mga kalokohan. 

"Pandiwa."

Natigil ako sa pagsagot ng assignment at napabaling ang tingin kay Milagring. Nakaharap ito kay Luningning at Mariposa. 

"Ang pandiwa ay makikita sa pagitan dalawang hita, na pinapasukan ng batuta, at nilalabasan ng bata." 

Ano daw?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Gustavo kaya agad nalipat ang tingin ko sa kanya. Pero pagharap ko, nakatikom na ang bibig nito at kunwari binabasa yung tinuturo niya sa akin kanina. 

Sasawayin ko sana si Milagring pero bago ko pa yun nagawa nagsalita na si Mariposa. 

"Pantukoy."

Bumalik ang tingin ko sa tatlo. Si Mariposa naman ngayon ang nagsasalita hawak ang notebook niya. 

"Ang pantukoy ay mga katagang ginagamit sa pagpapakilala sa pangalan, ito ay may dalawang uri, pambalana at pantangi. Pero ang pantukoy ay mas madalas ginagamit sa pagtawag ng aso. Tukoy... tukoy...tukoy..."

Malakas na nagtawanan silang tatlo sabay hampasan na nakasanayan na nila sa tuwing tuwang-tuwa ang mga ito. 

Pati ako ay nakangiti na rin. Ito ang sinasabi ko, na kung madami silang natutunang aral sa paaralan madami ding mga kalokohan. 

"Salitang ugat." Si Luningning naman na may pakumpas-kumpas pa ng kamay niya. 

"Ang salitang ugat ay tumutukoy sa salita na may buong pagkilos. Ito ay payak o simpleng salita. Ito ay mga salitang hindi na dinadagdagan ng panlapi." Maliit akong ngumiti at proud na tumingin kay Luningning. 

"Sa salitang ingles," para itong tumutula habang ng nagbibigay paliwanag sa kahulugan ng salitang ugat. 

"..ito ay tinatawag na root word. Root word, ibig sabihin mula sa salitang "ROOT" o 'UGAT'. Mga ugat, ka-ugatan, maraming ugat, madalas nakatanim sa lupa pero mas madami ang nasa braso ni Kuya Gustavo."

Doon nawala ang ngiti ko. Pero kung gaano nawala ang ngiti ko ganun naman ang paglawak ng ngiti ni Sir Gustavo. 

Proud pa nitong pinakita ang namiminitig na ugat sa braso niya, nagyayabang. Para namang may sariling buhay ang mga ugat nito na gumagalaw doon. 

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin