OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #13

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naku, halos kakaalis lamang ng anak ko, hijo."

"Ho! Saan po nagpunta?"

"Paalis siya ngayon papunta ng Brunie, hijo. Sabi niya na aagahan na lang daw niya ang pag uwi doon para maaha niyang matapos ang paghahanda para sa kasal niya."

"What? Saan pong terminal? Anong oras  siya aalis?"

"Termninal 3, hijo. Mamaya pang alas tres ang lipad niya."

"Maraming salamat po. Hindi na po ako magtatagal kung ganun. Aalis na po ako." Paalam ko na agad sa dito.

Nagmamadali ang bawat hakbang ko na tinungo kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Hindi na ako nagdalawang isip na habuli ito sa kung saan mang terminal siya nandoon.

Gusto niya itong makausap at gusto niyang pigilan ito sa nalalapit na kasal.

Hindi ko alam ang dahilan ko o rason kung bakit ako nagpapasyang pigilan siya. Basta nangingibabaw sa pagkatao ko na hindi dapat siya magpakasal sa iba.

Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho. Hindi alintana ang gitgitan ng trapiko basta marating ko lamang ang terminal na kinaroroonan niya. Saka na ako mag iisip kung ano ang idadahilan ko kung bakit ko siya pipigilan.

Halos inabot ako ng isang oras sa kalsada dahil sa trapiko bago ako tuluyang nakarating.

Dahil kilala ang ang apelyedo kong Anderson na isa sa founder ng Terminal ay wala ng humarang sa akin dahil sa ipinakita kong ID.

Hinanap ko si Mandy sa siksikan ng mga tao sa waitin0 area o sa kahit saang sulok ng airport. Hindi ako tumigil.

"Damn it. Where are you, Mandy." Naiinis na akong patuloy lamang sa paghahanap habang patuloy ko parin siyang tinatawagan.

"The number you have dialed is out of...." hindi ko na natapos na pinakinggan iyon at natigil ako sa kalahitnaan ng maraming tao habang nakatingin ako sa harapan ko.

Kusang bumaba ang kamay kong may hawak ng cellphone at naisilid iyon sa bulsa ng pants ko.

Nagtama ang mga mata namin. Hindi maitatago sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako.

Inaasahan na ba talaga niyang hindi ako magpapakita sa kanya? Pero nandito na ako ngayon, nakatayo sa harapan niya para pigilan sa pag alis niya.

Kusang humakbang ang mga paa ko. Parang naging slow motion pa ang bawat hakbang kong palapit sa kanya. While he is still standing na hinihintay akong tuluyang makalapit sa kanya.

"Where is your damn phone?" Iyang ang unang salitang lumabas sa bibig ko ng makalapit ako sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan pero...."

"Why are you here?" Tanong niya na nakapagpatigil sa mga sinasabi ko. Seryuso na walang kangitngiti na hindi tulad sa tuwing lagi siyang nakikipag usap sa akin na laging naaliw.

"We need to talk."

"Talk?" Pang uulit niya sa sinabi ko. "Sa tingin ko ay wala na tayong pag uusapan, Xaviel dahil tama ka, hindi na dapat kita idamay pa sa problema ng aming pamilya." Sabi nito na iniwas ang tingin sa akin. "At kung tungkol sa negosyo iyan, hindi naman aatras ang aking ama doon."

"No! Let's talk. We need to talk." Saka konsiya hinawakan at pinigil ang tangka nitong pagtalikod sa akin.

Napatingin siya sa kamay kong humawak sa kanya.

"Don't go. I'm here to stop you to get married." Sa wakas ay nasabi ko na din ang pakay ko.

"Xaviel." Nagulat ito sa sinabi ko. Muli siyang napatitig sa akin.

"You heard me right, Mandy. Kaya ako nandito ay para pigilan ka sa pag alis. Para pigilan ka sa pagpapakasal mo." Muli ay sabi ko sa kanyan na halatang hindi talaga makapaniwala.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon