OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON #12

Magsimula sa umpisa
                                    

"What are you saying?"

"I'm getting married, Xaviel." Pang uulit nito sa sinabi niya.

"To whom? Then, why are you asking me to marry you if you are getting married?" Dagdag tanong ko pa sa kanya.

Pero sa kaseryusuhan ng mga mata niyang nakatingin sa akin ay alam kong hindi siya nag bibiro.

"I'm the real Prince Manjar."

"What?" Mas nagulat na naman ako sa rebelasyong sinabi niya.

"Ang kausap mo kanina ay isa lamang sa inutusan ko para magpanggap. He wore a mask to copy my face. And he also used a voice changer to imitate my voice." Paliwanag pa niya.

Pero gaano katotoo ang mga sinasabi niya ngayon sa akin?

"Ayaw kong magsinungaling patungkol dito. Nais kong umiwas sa katotohanang isa akong anak ng sultan kaya ako kumuha ng magpapanggap bilang ako. Pero nalaman ko mismo sa inutusan ko ang plano ng aking ama na balak akong ipakasal sa isang anak din ng maharlika."

Napalunok ako. Tumikhim na tila may bumara sa lalamunan ko. Wala akong alam na isasagot sa mga sinabi niya sa akin dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Pero bakit mo ako niyayayang magpakasal kung ikakasal ka na."

"Because I love you, Xaviel." Sagot niya sa akin na nasa mga mata na ang pagsusumamo. "At ikaw lang ang nais kong pakasalan. Kaya kita inaalok na pakasalan ako para hindi na ako ipakasal ng aking ama sa iba."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako tumitig sa kanya.

"Labas na ako sa problema mo, Mandy dahil hindi ako magpapakasal sayo." Sabi ko. "And about our business. I take it back dahil hindi na iyon matutuloy pa." Sabi ko sa kanya na sinundan ko na ng pagtayo. "Don't call and don't show up in front of me anymore." Seryusong sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Hahakban na akong palayo sa kanya ng pigilan niya ako sa kamay.

"Sinabi ko na sayo. Labas na ako sa problema ng pamilya niyo. At kung ayaw mong ipakasal ka ng ama mo sa iba ay kausapin mo ng maayos ang iyong ama." Sabi ko bago ko binawi ang kamay ko sa kanya.

Walang lingong likod akong iniwan siya at umalis sa lugar na iyon. Hindi ako papasok sa gulo ng kanyang buhay. At kung talagang ayaw niyang magpakasal ay walang magagawa ang kanyang ama.






Naimasahe ko ang kamay sa aking leeg habang nakaupo sa swivel chair at nakatanaw sa malaking bintana ng aking opisina.

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil hindi ako tinantanan sa kakaisip sa naging usapan namin ni Mandy na basta ko na lamang siyang iniwan sa restaurant.

"Fuck." Mura ko na lumipat sa aking sintido ang kamay ko. Mariin kong naipikt ang aking mga mata. Hindi ako mapakali.

Masyado bang naging matigas ang puso ko para kay Mandy at hindi ko man lang siya binigyang ng pagkakataon. Pero kasal ang inaalok niya at hindi ako handa pagdating sa bagay na iyon.

Pero may bahagi ng pagkatao ko ang umaasa  na sana huwag isapuso ni Mandy ang mga sinabi ko kanina.

Palagi ko naman siyang sinasabihan na tigilan ako pero patuloy lamang siya sa pangungulit sa akin.

Sana nga. Para akong nagsisisi sa ipinakita ko sa kanya kanina. Gusto ko itong tawagan pero ano ang sasabihin ko? Paano kung alukin na naman niya ako ng kasal at makapagbitaw na naman ako  ng hindi magandang salita.

Tatlong katok ang nakapagpapukaw ng lalim ng iniisip ko. Ipinaikot ang kinauupuan ko at humarap sa pintuan.

Bumukas iyon at iniluwa doon ang sekretarya ko.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon