Epilogue

6 0 0
                                    

EPILOGUE

AMETHYST

Sa buhay marami talaga tayong mga trials na pagdadaanan. Mga masasakit na pangyayari na hindi natin maiiwasan. Minsan ay mapapatanong tayo kung 'Kaya ko pa ba?' kasi alam mo sa puso mo na sobrang sakit na. Nakakapanghina ng sobra. Hindi mo alam kung kailan ka makaka-ahon sa sakit.

Pero sa buhay, marami rin tayong makikilala na mga taong laging nakahanda na tumulong at dumamay sa atin. Lalo na sa panahon na pakiramdam natin ay wala na tayong masasandigan. May mga kaibigan ka na laging aalalay sayo sa panahon na nanghihina ka na at hindi mo alam kung saan ka pupunta. One call away lang sila 'e. Minsan nga kahit hindi mo tawagan ay dumarating sila ng hindi mo inaasahan sa mga panahon na kailangan mo ng pahinga.

Hindi naman kasi laging boyfriend, girlfriend, jowa, o kasintahan ang tanging makapagbigay satin ng pag-asa at suporta.

Hindi lang naman kasi sa isang tao umiikot ang mundo. In fact, tumingin ka lang sa paligid mo ay marami ka nang matatanaw.

Sa dami ng sakit at hirap na pinagdaanan ko, there's one thing na never kong makakalimutan. Yun ay ang magpasalamat sa Dios sa lahat ng mga bagay. Everything happens for a good reason. Tumibay kasi ako 'e.

At saka, itong lalaking nasa harap ko ngayon ang isa sa dahilan kung bakit naging mas better na tao ako.

"K-kailan ka pa nakauwi?"

Napakamot siya ng ulo, halatang nahihiya. "Actually, sabay tayong bumalik sa mansion. Mas nauna lang ako sayo pero nung dumating ka..nandoon ako."

"N-nandun ka?! Bakit hindi man lang kita napansin?"

Nag-alangan pa siya bago sumagot. "N-nagtago a-ako.." narinig ko pa ang mga impit na tawa nung anim sa sagot si Ice.

Pinanliitan ko sila ng mata, ibig sabihin alam din nila. Hindi man lang binanggit sakin!

Natawa ako. "Ang cute mo." natatawang sambit ko kasi namumula si Ice na akala mo kamatis. Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin ng diretso sakin.

"A-ano k-kamo?"

"Wala! Sabi ko para kang bata..."

Natawa kami pareho. Kaso bigla siyang nagseryoso at kinuha ang kamay ko, para akong nakuryente dahil doon.

"Ang totoo...gusto ko na talagang lumabas kahapon pa. But they planned this and I don't want to ruin it."

Tumingin siya sa mga mata ko. "Happy birthday..Amy?"

"Oo na, pwede mo na kong tawaging Amy." sumilay ang ngiti sa mga mata niya nang sabihin ko yun.

"So..paano?"

"Anong 'paano'?"

"D-do you still hate me?"

"Oo."

"If that's the case.." may kinuha siya sa bulsa niya. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung ano yun.

Isang maliit na box na kulay ash gray, narinig ko pa ang kilig na kilig na tili ni Anja at Hazelyn. Ako naman ay parang na-estatwa sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si Ice.

Binuksan niya yun at may isang singsing sa loob nun, plain at walang bato pero kulay gold ito.

"Ahh!! Oh my goodness, hihimatayin ako Hazelyn!!"

"Seize your moment, Ame!!"

Tinanaw ko yung dalawa na mas excited pa sakin, natawa ako sa kanila. Nang ibalik ko yung tingin ko kay Ice, nagtagpo ang mga mata namin.

Para naman akong nakaramdam ng isang milyong botalhe ng kuryente sa katawan ko at yung tibok ng puso ko, pakiramdam ko dinig hanggang States.

"A-are you willing to hate me forever, Amy?"

"Sira ka, syempre hindi!" hinampas ko siya sa braso. "But I'd rather hate you forever, Ice."

Hindi maitago ang mga ngiti niya, gayon rin ako. Pati na ang palakpakan at sigaw nung anim.

"Edi wow!!"

"Wooohhh!!!"

"Invite ko rin kayo sa sakalan namin ni Hazelyn, hehehe."

"Korni mo, Kuya Ice!"

"Yieee, bakit abot-tenga ang ngiti ng beshy ko?"

"I'll drive you to the venue, huh."

Natawa kami ni Ice sa kanila, tapos ay kinuha niya yung kamay ko at pinagmasdan ko siyang ilagay yung singsing sa daliri ko.

Saktong-sakto..

Nagkatinginan kami. "I'd rather have you hate me forever too, Amy.."

After nun ay niyakap niya ako ng mahigpit, napapikit ako kasabay ng pagtulo ng mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko at niyakap din siya ng mahigpit.

Humiwalay siya at idinikit ang noo sa noo ko.

"But I'd rather wish that you'll turn that hate into love." nakangiting sambit niya. "Amy, let's start again.."

Nakangiti akong tumango sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Inakbayan niya ako at tumingin kami doon sa anim na lumapit naman samin.

Happiness is painted in all our faces, and I guess..this is the most important part of the battle.

To smile after the storm, to be happy after the fall and of course, to become a better person!

THE END.

***

I'D RATHER
written by: InkOfAgape
All Rights Reserved © 2023

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora