Chapter 30

21 4 0
                                    

CHAPTER 30: THE PAST

AMETHYST

FLASHBACK

Nanginginig akong tumatakbo papunta sa emergency room, rinig mo ang iyak ko sa buong hall. Nanlalambot ang tuhod ko at ang puso ko parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok. Iyak ako ng iyak.

Nang makarating ako sa tapat ng ER, hindi pa tapos ang operation kay papa. Ang sabi sakin ay nasagasaan daw si papa dahil tumawid ito kahit naka stop pa ang signal sa pedestrian. Sobra-sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko, abot-abot din ang dasal ko na sana maging okay siya.

Hindi ako mapakali, ni hindi ko magawang umupo sa upuan, nanginginig ang mga kamay ko at sinubukan kong tawagan si Ice. Pero hindi siya sumasagot. I can't think properly. N-natatakot ako..

Maya-maya pa lumabas yung doctor, agad akong lumapit sa kanya. "Are you related to the patient?"

"Yes po, doc. Papa ko po siya, kamusta na siya doc? Okay na po siya diba? Naisalba niyo po siya diba?"

"We did everything we can. I'm sorry. Pero head ang na-damage sa kaniya kaya mabilis ang naging reaksyon ng katawan niya. Hindi niya kinaya, nakikiramay kami.." tapos ay umalis na yung doctor.

Hindi ko ma-process sa isip ko. "P-papa..Papa!!! Hindi...hindi..."

Nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa waiting area malapit sa counter.

"Where is she?"

"Ayun po siya, Sir. Kanina pa po siya nakatulala dyan."

"Ame.." rinig kong tawag ni John, concern ang tono niya.

"Ate Ame.." si Von. Nag-aalala rin siya gaya ng kuya niya.

"K-kayo pala.."

Agad na lumapit si John sakin to check kung ayos lang ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Hindi ko na napigilan, bumuhos na ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Von sa likod ko. Lalo akong naiyak. Papa, ang papa ko..

K-kanina lang kasama ko siya..tapos ngayon--

Napuno ang waiting area ng tunog ng malakas kong iyak.

.

.

.

Libing na ni Papa. Nakatayo kami nila John at Von sa harapan ng kabaong niya. Gusto kong umiyak, pero wala nang luha na lumalabas sa mga mata ko.

Sinubukan kong tawagan si Aldriz pero hindi niya parin sinasagot. Lalo akong nanghihina, gusto kong marinig ang boses niya. Kahit boses niya lang..alam kong gagaan kahit papano itong nararamdaman ko.

.

.

.

Kakatapos lang ng libing ni papa, hindi na ako umuwi sa bahay namin. Hindi ko kayang matulog doon ngayon, kaya sumama ako kay Lola Beninda pauwi sa province. Inihatid kami nila John at Devon.

"Don't hesitate to call kung may kailangan po kayo." concern na sabi niya sa lola ko.

"Salamat, Hijo. Salamat sa inyo ha, sa paghatid at sa pagtingin dito sa apo ko."

Umalis na sila, ni hindi ko man lang nagawang magsabi ng simpleng thank you o salamat. Para akong patay. Kumikilos ako pero walang buhay. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Napuno ng takot at pangamba ang puso't isip ko. Paano na ko ngayon?

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now