Chapter 42

5 1 0
                                    

CHAPTER 42: OPEN THE LETTER!

AMETHYST

Inihatid ko na sila Bino, Mimay, at Panpan sa bahay nila. Napagod silang tatlo kakalaro kaya nakatulog si Mimay, binuhat ko siya hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Sinalubong naman kami nila Ate Chona at Kuya Dodong, pinasalamatan nila ako sa pagpasyal sa tatlo.

Ngayon, nandito ako sa sala habang nanonood sa square namin na TV, habang si Lola ay naliligo sa cr. Nanonood ako ng Doraemon. Ang palabas na doraemon sa TV namin ni Lola ay siguro yung sa 1979 series? Ewan pero luma na yung drawing, at saka blurry din yung TV kaya hindi ko ma-determine kung 1979 ba o 1978.

Lumabas sa screen yung title ng episode, nakalagay doon ay.."Butterfly Letters!" sigaw ni doraemon, tapos yung scene ay may ibinibigay si Shizuka na cookie kila Gian at Suneo, kaso biglang dumating si Nobita na gustong makitikim, unluckily...natapon yung cookie kaya umiyak si Shizuka, at na-bothered naman si Nobita ng sobra.

Uminom ako ng gatas na tinimpla ko kanina, sinubukan ni Nobita na gumawa ng paraan para humingi ng tawad kay Shizuka pero laging epic fail, natatawa naman ako.

Until humingi si Nobita ng tulong kay doraemon, at binigyan siya ni Doraemon ng gadget na kung tawagin ay 'Butterfly Letter'. Napakunot ang noo ko, ano kayang use ng gadget na 'to?

Nagpatuloy ako sa panonood, sumulat si Nobita ng apology letter kay Shizuka doon sa butterfly gadget, pero worried siya na baka hindi makarating kay Shizuka, samantala in-assure naman ni Doraemon na makakarating yung letter niya kay Shizuka, magtiwala lang siya.

Pero disasters happened. Nakigulo si Suneo at Gian, then the next thing is hindi sinasadyang nasampal ni Nobita si Shizuka noong sinusubukan niyang kuhanin yung letter kila Gian at Suneo, kaya lalong nagalit si Shizuka kay Nobita.

But Nobita didn't lose hope, sumulat siya ng maraming butterfly letters kay Shizuka until mabasa ni Shizuka yung letter, then the next thing I know is umiiyak na pala ako dahil nagkabati sila sa huli.

Lumabas si Lola mula sa cr at nagtaka sakin. "Apo? Bakit mo naman iniiyakan yang doramon? Ang laki-laki mo na."

Gusto kong matawa kay lola kasi imbes na 'doraemon' ay 'doramon' ang nasabi niya, parang feeling ko tuloy ay naging pokemon si dora.

Pero hindi ko magawang tumawa, kasi pakiramdam ko ang bigat ng loob ko. B-bakit ganito ako ka-apektado sa episode ng doraemon na 'to?

I shake my head. Nonsense, lumalabas lang siguro ang inner childhood self ko.

But I'm not convinced sa mga palusot ko, I know na habang pinapanood ko yung episode, at the back of my head iniisip ko yung letter na iniwan ni Aldriz na ngayon ay nasa drawer ko. Part of me is saying na basahin ko yung nilalaman nun pero may part din na hindi ko gustong buksan yun.

Later that night, nakatulala lang ako sa bubong namin na yero. Walang ibang ginagawa kundi pakipagtitigan sa butiki na nasa taas ng kahoy. "Hoy, butiki." parang baliw na tawag ko rito.

"Babasahin ko ba o hindi?" nalilitong tanong ko sa walang muwang na butiki dito sa kwarto ko.

I sigh. "Magbigay ka naman ng sign oh." pagmamakaawa ko pa rito kahit na alam kong mukha akong ewan dahil kinakausap ko yung butiki.

Pero laking gulat ko nang biglang nahulog yung butiki sa kumot ko kaya napatalon ako at nagsisigaw. "Ahhh!! Layo-layo!!! Oo na babasahin ko na!!! Hindi na ko mag-iinarte!!" I scream at the top of my lungs.

Nagulat ako nang biglang pumasok si Lola na kwarto ko. "Anong nangyari sayo, Amethyst?!"

Kinikilabutan kong itinuro yung butiki sa higaan ko na ngayon ay nakatingin sakin habang nakatagilid ang ulo. "L-lola kasi ayun ih!"

Napatingin si lola doon at tila nakahinga ng maluwag, "Ayan lang pala eh." tapos lumapit siya at pinalo yung kama bigla. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulantang ako nang tumalon yung butiki sakin.

Buong lakas kong ipinagpag ang sarili ko at napasigaw ng malala, "Lola naman bakit niyo po yun ginawa?!" maging si lola ay nataranta din, hanggang sa mahulog yung butiki sa lapag na akala mo siya si butikiman dahil yung landing niya ay parang superhero.

Ilang segundo itong nakipagtitigan sakin hanggang sa tumakbo na ito paalis. Habang ako, naiwan na hindi makapaniwala sa nangyari. Nagkatinginan kami ni lola at halos maiyak ako nang pagtawanan niya ako.

Napasimangot ako. "Sige po, tawanan niyo na ako.."

"Hahaha! Hija, hindi ka parin nagbabago, takot ka pa rin sa mga butiki at reptayls." Tumatawa na sambit niya.

"Osya, maiwan na kita dito." lumabas na siya ng kwarto ko, pero sumilip siya ulit. "Huwag kang magpapatay ng ilaw, baka bumalik yun." pananakot niya pa kaya nanlaki ang mata ko.

"La, naman eh!"

Tuluyan nang lumabas ang lola ko, grabe. Pinagtawanan niya ang kahinaan ko. Napatingin ako sa kama ko kaya bigla akong kinilabutan, to think na may butiking nandyan kanina habang nakatingin sakin na animo'y may sinasabi. Kainis! Hindi naman ako si Harry Potter, baka magulat nalang ako isang araw nakikipagkwentuhan na ako sa mga butiki--teka ahas pala yun. Pero kahit na, reptiles parin yun!

Umupo ako sa higaan ko, bumalik ang isip ko sa tinatanong ko kanina sa butiki nang mahimasmasan ako. Napatingin ako sa drawer kung saan naroon ang letter ni Aldriz.

Sa isang malakas na tibok ng puso dahil sa kaba, lumapit ako sa drawer at binuksan yun. Napalunok ako nang makita ang letter, nakalagay doon ang pangalan ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang kuhain ko yun.

*

*

*

Moments later, natapos kong basahin yung letter. Napatakip ako ng bibig nang mabasa ko yun ng buo. I..I think I'm the real one who is at fault for not hearing his side.

I-Ito pala..ang totoong dahilan.

***

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now