Chapter 38

12 1 2
                                    

CHAPTER 38: PROVINCE

AMETHYST

"Nakahanda na po ang pagkain, Lola! Kain na po tayo." nakangiting aya ko kay Lola, nasa cr pa kasi siya pero palabas na din.

"Ang bango ha, ano yang niluto mo, apo?"

"Ah ito po ba, namili ako kaninang umaga sa palengke para may ulam tayo ngayong tanghali." inalalayan ko si lola na makaupo. "Natutunan ko po ito iluto sa mansion, special spicy steak with tuna grease at ito pong secret recipe na sauce!"

"Aba aba, mukhang masarap ah. Osya, panalangin muna bago kumain." nakangiti akong tumango kay lola nang makaupo ako at nagdasal kami.

Nang matapos kami magdasal.."Tikman na yan!" masayang sambit ko.

Three days na ang nakalipas, so far maayos naman ang naging kalagayan ko dito. Pakiramdam ko nga okay na ko eh. Yakap lang pala ni Lola ang magsisilbing gamot sa karamdaman ko. Kung alam ko lang hindi na ako umalis dito, for sure 'e mas masaya ako ngayon at naiwasan ko pa si--ang sarap ng luto ko, grabe! Natutunan ko itong iluto sa mansion sa tulong ni Hazelyn, nagtaka nga ako kung bakit may tuna grease, pero sabi niya imbento niya lang daw yun pero natuklasan niya na masarap pala. Kaya itinuro niya sakin. Masarap naman talaga, hehe.

Kamusta na kaya sila Hazelyn at Anja? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila, o kahit nakapag-thank you man lang. Sila kasi ang mga naging kaibigan ko doon.

Si John? Nagtaka nga ako kasi ang sabi niya nung gabi inihatid niya ako ay babalik siya kinabukasan, pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Pero ayos lang naman, sigurado ako na marami siyang inaayos at inaasikaso lalo na sa gulo na nangyari nung gabi ng event. Nalulungkot nanaman tuloy ako sa twing naiisip ko na nasira ang birthday party ni John sa isang walang kabuluhang bagay.

Pero kamusta na rin kaya si Millens? Mukhang malalim talaga yung sugat niya, sigurado ako na hindi lang basta daplis yun. Sana maayos na siya. Pero hindi parin nawawala sa isip ko ang mga katagang binitawan niya nung gabing yun.

"You! Get off my fiancée!"

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba yung mansion parin ang iniisip ko ngayong nandito na ako sa bahay namin? Nakabalik na ako at iniwanan ko na yun lahat kaya hindi ko na dapat alalahanin pa yun. Nakakainis.

"Sigurado ka ba na maayos ka lang, hija?" nagulat ako sa tanong ni Lola, na-space out kasi ako.

Nabilaukan pa yata ako, buti inabutan ako ni Lola ng tubig na siya kong ininom. Inilapag ko na yung baso nang mahimasmasan ako.

"O-opo lola. W-wala pong problema.." hindi ako makatingin kay lola kasi parang sinisiyasat niya ako. Maya-maya pa ay napabuntong-hininga siya.

"Pwede kang magsabi sakin, apo. Kilala kita."

Malungkot akong napatingin kay lola tapos ay napayuko. Alam talaga ni lola ang bawat kilos ko, wala akong maitatago sa kaniya.

"S-si Ice po lola..bumalik na po siya.." halos pabulong kong saad. Naramdaman ko ang paghinto ni lola sa paggalaw ng pagkain niya, tapos ay narinig ko ang pagkahulog ng kusara't tinidor dahil sa sinabi ko.

Dahan-dahan akong tumingin kay lola, gulat ang ekspresyon niya then she sigh.

"Bakit daw siya bumalik?"

Natakot ako bigla sa tono ni lola. Kinuha niya ulit yung kusara't tinidor at nagpatuloy sa pagkain, napalunok naman ako dahil sa kaba.

"M-may business po silang dalawa ni John na inaasikaso, n-nagiistay din po si Ice sa m-mansion.."

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now