Chapter 23

30 4 0
                                    

CHAPTER 23: OOPS

AMETHYST

"Thank you for helping me out there. Kung wala ka, I think mas magtatagal ako 'ron." sambit ni Aldriz after namin lumabas sa male boutique. Naglalakad na kami dito sa loob ng mall habang si Aldriz parang enjoy na enjoy kahit wala naman kaming ginagawa.

Nagtataka nga ako eh, sobrang laki kasi ng ngiti niya kahit na hindi naman kami nag-uusap. Well, siya yung salita ng salita kanina pa pero hindi naman ako sumasagot sa kaniya. Sa tingin ko kailangan na niyang magpatingin sa isang Psychologist, mukhang malala na kasi 'e.

"Wala po yun, Sir. I'm happy to hear na natutuwa kayo sa service ko." formal na tugon ko sa sinabi niya, para naman hindi siya magmukhang ewan kakasalita mag-isa.

"Do you want some popcorn?" lingon niya sakin habang nakangiti, natigil kami sa paglalakad.

"Po?" tila nabingi ako, tama ba na sinabi niyang popcorn? At bakit naman ako papayag, close ba kami?

"Let's buy some."

Hindi na ako nakaimik dahil lumapit na agad siya sa nagtitinda ng popcorn, nakahila nanaman siya sa wrist ko. Nakabili na siya ng popcorn. Kinakain niya yung kanya habang yung sakin, hawak ko lang.

"This taste better than the popcorn in U.S." komento niya.

Aba, at nakuha pang ipag-kumpara ang abroad sa pinas, of course mas masarap parin ang mga gawa ng pinoy. Siya kasi 'e. Alis pa. Edi sana--

Okay direc, cut.

Napailing ako, hindi ko na dapat iniisip ang past.

"This is a lot better and tastier, because I got to eat this with you." biglang dugtong niya kaya napatingin ako sa kanya, sakto naman nakatingin siya sakin kaya nagtama ang paningin namin.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa na tila walang ibang tao rito sa mall kundi kami lang. Nakakabinging katahimikan kahit na maingay ang paligid. Nakakatunaw ang mga tingin niya kahit na malamig naman dito sa loob ng mall.

Ito nanaman yung kakaibang pakiramdam sa loob ko.

Wala pa ring bumibitaw ng tingin samin, ibinaba ni Aldriz yung hawak niyang popcorn at saka nagsalita ng mga salitang hindi ko inaasahan na sasabihin niya..

"Amethyst. I still like you. I really do." Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, natigilan ako.

Natigilan ako dahil nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan at the same time natatakot sa mga kinikilos at sinasabi ni Aldriz.

For the first time, hindi ko naalala yung mga nangyari four years ago. Dahil ang nakikita ko lang ngayon ay ang mga mata ni Aldriz na tila kinakausap ako. Na parang gusto ko nang paniwalaan lahat at kalimutan nalang ang mga nangyari noon.

Pero may kumokontra sakin na maramdaman yun. Yun ay ang mataas na pader na itinatag ko nitong mga nakaraang taon para protektahan ang puso ko. Masyado kasi akong nasaktan at kinailangan kong magtayo ng pader para maghilom.

Kaya ano nalang ang magiging tugon ko sa mga ginagawa at sa sinasabi ni Aldriz ngayon?

Sa tingin ko hindi ko na kaya pang makipaglaban ng titigan sa kanya, parang any moment tutumba na ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko at ang pagsikip ng paghinga ko. Buti nalang ay siya na ang unang umiwas kaya nakahinga ako.

"I don't know what happened back then, but I'm certain about my feelings for you."

tumingin siya ulit sakin."It's always been you."

Hindi na ako makatingin sa kanya ng maaayos dahil parang isang bala ang bawat letra na sinasabi niya sakin. Tumatama ng direkta at masakit marinig kahit na ang dapat ay natutuwa ako, pero may parte kasi sakin na hindi kayang maniwala sa kanya.

"Can you..can you perhaps, give me a chance to prove myself again?" he said as if nagmamakaawa ang mga mata niya sakin. Napaiwas ako ng tingin.

Delikado...

"P-pag..pag-iisipan ko.." hindi.

Kahit na anong gusto kong sabihin na hindi, na ayoko, na hindi ko gusto. Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko na salita.

"Atleast you didn't say no." nginitian niya ako ng isang malungkot na ngiti. "Thank you, Amethyst."

.

.

.

Bumalik na kami sa floor, nakita namin na mas maayos at mas malinis na kaysa kanina. Awkward ang atmosphere sa pagitan namin ni Aldriz, nakasunod lang ako sa kanya na walang imik habang siya ay dire-diretso sa paglalakad.

"They work quite fast." komento nito nang makita na mas maayos nang naka-arrange yung floor.

Frisces 'e.

May isang lalaki na naka-formal attire ang tumawag kay Aldriz. "Sir Ezekiel."

"Oh, Nico."

Sa likod niya ay may isang babae na matangkad, maputi, mestisa, at singit na babae na agad lumapit sa harap ni Aldriz. Muntik na akong mapanganga, woah. Model ba siya? Ang kinis at ganda niya..

"Hi, Kiel!" bigla itong lumingkis sa balikat ni Aldriz, nagulat si Aldriz at tila hindi mapakali. "I've missed you!"

Napadako ang tingin niya sakin. "Who's her?"

Nagkatinginan kami ni Aldriz, hindi maipinta ang mukha niya. "Oh, she's my.." tila hindi mahanap ni Aldriz ang tamang salita niya. "She's Amethyst."

Magiliw na humarap yung magandang babae sakin, bigla naman akong nahiya dahil pakiramdam ko ang pangit kong nilalang. "Hello, Amethyst! Such a lovely name."

inilahad niya ang kamay niya sakin para makipag shakehands. Nagulat naman ako.

"I'm Marinette Millens--," nakangiting pakilala niya. Nagulat ako lalo.

Millens? As in yung Marinette Millens na supermodel?

Gulat lang ako pero hindi ko pinapahalata, nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakalahad, naghe-hesistate naman ako na makipag-shakehands sa kanya sa hindi malamang dahilan.

Pero may sinabi siya na lalong nagpa-weird ng nararamdaman ko...

"--Ezekiel's girlfriend."

***

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now