Chapter 21

36 4 0
                                    

CHAPTER 21: SHE HEARD

AMETHYST

Gulat na gulat kaming tatlo sa biglang pagbagsak ng mga damit sa basket, pero mas nagkagulatan kami nung babaeng nahulog kasama nung mga basket, plakda siya sa sahig ngayon.

"H-hazelyn..?" nagtataka at gulat na tawag ko sa pangalan niya. "Anong.."

"Pasensya na!!!" napabalikwas siya ng tayo.

"Hindi ko sinasadya na marinig yung mga pinag-uusapan niyo..m-maglalagay lang sana ako ng basket ng damit tapos..ano..nahiya akong istorbohin kayo.." dipensa niya sa sarili, hindi siya makatingin ng diretso sakin.

Lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya. "Ano?! Kanina ka pa nandyan?"

"D-don't get me wrong! Wala akong balak na kahit ano, I swear!" natatarantang saad niya.

Pero kahit pa sinasabi niyang wala siyang balak na masama, hindi ko mapigilan na makaramdam ng kung ano sa tyan ko, pakiramdam ko para akong masusuka na ewan dahil sa kaba.

napatingin si Anja sakin. "Amethyst.."

.

.

.

"So, hindi lang dito kundi pati yung sa west wing?" gulat na tanong ko sa kanya.

she nodded.

Napakurap ako dahil sa tugon niya. "Ibig sabihin..alam mo na lahat?"

napayuko siya. "Oo, hindi ko talaga sinasadya.." malumanay siyang tumingin sakin. "Sorry Amethyst.."

"H-hindi, okay lang..P-pero.."

Anja holds my hand. "Huwag kang mag-alala, Amethyst. Alam kong mapagkakatiwalaan si Hazelyn." siniko niya si Hazelyn. "Diba?"

"T-totoo yun! So, please Amethyst 'wag kang magalit--" mabilis na response niya, tapos ay napahinto siya saglit. "Eh kung magsabi din ako ng secret ko sayo? Para fair na tayo."

Nagkatinginan kami ni Anja. "Pwede! Ako rin magsasabi ng secret ko." ani Anja.

Na-caught off guard naman ako, teka..bakit nila sasabihin ang secrets nila sakin?

"Ako na muna." presinta ni Anja. Kaso bago siya magsalita mukhang namula siya at medyo nahihiya. "May..may crush ako kay Sir John..."

Isang sandaling katahimikan ang bumalot saming tatlo, nagkatinginan lang kaming tatlo na tila nasa investigation room tapos may nalaman na clue sa isang murder case.

"Hala?! Totoo ba yan?" reaksyon ni Hazelyn.

"Shh!" suway ni Anja dahil medyo napalakas ang boses ni Hazelyn. "Totoo.."

Napatakip ng bibig si Hazelyn habang kinikilig, nagkandirit pa siya habang kinikiliti si Anja sa tagiliran, todo saway naman si Anja sa kany habang ako natatawa sa kanilang dalawa.

huminto na si Hazelyn sa pagkiliti kay Anja. "Ako naman."

"Mayroon akong isang tao na gustong sakalin, sipain, ihagis, etc."

"Sino?"

Napalunok ako, ako ba?

"Si Sir Allen. Bwisit siya."

"Ehh?"

"Aish! Hindi naman secret yun 'e. Obvious kaya yun!" reklamo ni Anja.

Si Allen? Bakit naman niya gustong sakalin, sipain, ihagis, etc. si Allen?

"Bakit, diba yung secret ay yung wala ka dapat pagsasabihan? Sa inyo ko palang sinabi yon ah!" bulalas ni Hazelyn.

Naalala ko nung unang nagkita kami ni Hazelyn, nabanggit ni Anja na kaya ganun kasungit si Hazelyn dahil baka inaasar nanaman ni Allen. That's the first time na narinig ko ang pangalan ni Allen dito sa mansion.

"Saka..labag sa rules ng Frisces Maid ang mainis sa guest. Dapat always smile at do your best." dagdag pa niya. Parang pinaparating niya na wala siyang choice kundi gawin ang trabaho niya kahit pa kinukulit na siya nung isa.

"Kapag nalaman yan ni Madam Delia, patay ka talaga."

"I know."

"Alam mo naman pala!"

Tapos ay hinampas ni Anja si Hazelyn sa braso.

"Itigil mo nga yan, Darcey!"

"Ano, ano? Sinabi ko na diba, wag mo kong tatawaging Darcey!" hinampas ni Anja ng tuloy-tuloy si Hazelyn kaya napatakbo ito. Naghahabulan na silang dalawa ngayon dito sa washing area.

"Eh ano naman ngayon, sa gusto ko 'e?"

"Nakakainis ka talaga Hazelyn Colmere!"

Nanlaki ang mga mata ni Hazelyn. "Anong sabi mo haaa?!"

at nagbugbugan na silang dalawa. Napangiti ako, sinabi ko noon na hindi ako basta-basta magtitiwala sa kahit na kanino. Pero, lahat naman ng rules..may exemption.

Diba?

.

.

.

One Week Later

Isang linggo na ang nakalipas, tahimik ang buhay ko dito sa mansion. So far, walang Aldriz na kailangan kong bantayan at samahan anytime anywhere. Although, may ibang oras na kailangan talaga na pagsilbihan ang mahal na hari, pero saglit lang yun at hindi tumatagal. Medyo awkward parin kasi kaming dalawa lalo na dahil dun sa nangyari last week.

Napadaan ako sa may hagdan, nakita ko si Madam Delia at Sir John na nag-uusap.

"Oh, Amethyst. Nandito ka pala."

"Good morning po Madam." bati ko. Humarap ako kay Aldriz. "Good morning, Sir Ezekiel." formal na bati ko sa kanila.

Salamat talaga sa rules ng mansion, hindi ako mahihirapang mag-isip kung ano ang dapat na ikilos at igalaw ko lalo na kapag kaharap si Aldriz.

"Sakto, I'm discussing things about Sir Ezekiel. You should go to him at the mall. Wala si Sir John for today dahil may lunch meeting siya about sa beautification floor." suhestiyon si Madam Delia. "I heard na nakasama ka nung mall tour, hindi ba?"

Ano? Sasama ako kay Aldriz sa mall? Bakit? Kaya naman na niya ang sarili niya. Saka medyo malayo ang byahe, ayokong makasama siya sa isang maliit na space gaa ng kotse..

Sa kotse nanaman ni Sir John...

"Yes, Madam." no choice na sagot ko pero di ko pinahalata na ganun ang tono ko.

"Sounds good. Edi pamilyar ka na doon. So, assist mo si Sir Ezekiel, ok ba?" nakangiting tanong ni Madam Delia sakin.

Pero isang pilit na ngiti yata ang naibigay ko sa kanya. "Yes, Madam."

Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Aldriz na napalagay ng dalawang kamay sa bulsa niya.

Now, what?

***

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now