Chapter 15

42 3 0
                                    

CHAPTER 15: SIR ALLEN

HAZELYN

Pagkaalis ni Darcey, naiwanan si Amethyst na nagaaalala. Nanatili akong nakatago habang tinitignan siya, hindi ko tuloy alam kung paano ia-approach si Amethyst ngayon dahil nasanay ako na masungit lagi ang pagtawag ko sa kaniya.  Paano ba naman kasi diba? Kahit sino naman pwedeng mainis dahil napakadali niyang nakapasok dito sa Frisces Mansion bilang maid, hindi gaya namin na kailangan muna na magsikap ng sobra para makapasok dito.

Hindi naman kasi talaga madali 'e. First of all, mataas ang standards ng mga Frisces. Kaya kailangan na ma-meet mo yun kung gusto mong makapasok dito. Malinis at walang mintis.

It's not like naiinggit ako or what.

Pero sa tingin ko kasi hindi yun fair para amin na talagang dumaan sa trial before makakuha ng slot. I know medyo weird ang patakaran ng Frisces sa bagay na 'to. But this is the only job na alam kong maiaahon ko ang pamilya ko sa hirap at maibibigay ko ang pangangailangan nila. Sa katunayan, unti-unti na naming napapagawa yung bahay namin na dati kulang nalang tangayin na ng hangin kapag bumabagyo.

Siguro nga medyo na-triggered lang ako kasi feeling ko mawawala yung chance ko na ma-promote as mayor doma kung sakaling mag-resign or mag-retire na si Madam Delia.

Sa totoo lang, ang kwento samin. Wala naman talagang ganitong patakaran sa Frisces Mansion noon. Nagsimula lamang daw ito na ipatupad ni Sir Gerome four years ago, at walang nakakaalam ng dahilan. Alam yun ng mga maids na talagang nandito na bago pa ipatupad ang ganyang rules. Pero wala daw nakakaalam sa kanila kung ano yung reason.

And, si Madam Delia.

Siya ang first ever maid na nakapasok dito sa mansion without experiencing the trial and trainings na kasing extreme ng sa amin. Sabi nila, one of a kind daw si Madam Delia. Yun daw ang reason kung bakit siya naging mayor doma. At tine-training ako ni Madam Delia para ako ang sunod na papalit sa kaniya kung sakali man daw na aalis na siya dito sa mansion.

Ginagawa ko talaga ang best ko.

Kaya siguro ako nakaramdam ng bitter feeling kay Amethyst, kasi natakot ako na baka kagaya siya ni Madam Delia. Yung may talents na natural at talas ng isip lalo na kapag real-life situations na.

That's the very reason kung bakit ako ganun makitungo kay Amethyst.

Pero base sa mga nalaman ko ngayon, sa tingin ko naman hindi siya nakapasok dito dahil sa parehong paraan kagaya kay Madam Delia. Kundi dahil kilala pala niya personally ang mga Frisces.

Napaisip naman ako, nung inutusan ako ni Sir John na si Amethyst ang kuhain kong personal maid ni Sir Aldriz, dapat nakakuha na ako ng hint. One point na yun para maisip na may something, diba?

Ahh! Bakit ba hindi ko kaagad napansin?

Napatampal ako sa noo ko. "Hazelyn, hazelyn. Minsan ikapapahamak mo yang ginagawa mo 'e.." inis na bulong ko sa sarili.

"Kung may kapahamakan man, I'll be your superhero, Sweetie."

"SORRY SIR JOHN! HINDI NA PO AKO TUTUNGANGA--" gulat na bulalas ko dahil biglang may nagsalita sa likod ko pero napahinto ako sa pagmumukha na nakita ko.

Napasimangot ito. "Ako ang nasa harap mo, pero ibang tao ang binabanggit mo."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Good afternoon, Sir Allen. May kailangan po kayo?"

"Oo, ikaw."

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya.

"Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko sa kanya.

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeWhere stories live. Discover now