Chapter 24

27 3 0
                                    

CHAPTER 24: MILLENS

AMETHYST

To be honest, I'm so close to believe again sa mga salita ni Aldriz. Those words and those eyes nung sinasabi niyang ako parin ang gusto niya, nung sinasabi niyang simula noon ako parin.

Kaya ba ganito?

Kaya ba naninikip ang dibdib ko nang marinig ko kung kaano-ano ni Aldriz si Marinette? Tama, bakit ba ako mag-iisip pa, bakit ko pa pag-iisipan kung pwede naman na rejection nalang kaagad. Bibigyan ko pa siya ng false hope at bibigyan ko pa ang sarili ko ng dahilan para umasa. Pero ano bang magagawa ko? Gaya dati wala naman akong laban 'e.

Si Amethyst lang ako. Isang babaeng walang narating sa buhay kaya naging isang hamak na maid. At ang mas nakakatawa pa 'ron, naging personal maid pa ako ng taong kailanman hindi ko na gustong makita pa. Tadhana naman, bakit ang bait-bait mo sakin?

I was stunned. Parang bato na nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Marinette--yung supermodel na nali-link kay Aldriz sa US? Totoo pala talaga na sila, tama yung mga fans. Napatingin ako kay Aldriz, seryoso lang ang mukha niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis o magagalit o kung anoman. Basta ang alam ko lang, I feel betrayed by the same man once again.

Bakit niya pa sinabi yung mga bagay na yun kung may girlfriend na pala siya? Bakit niya pa pinaparamdam na bumabawi siya sakin kung may relationship na pala siya? Lalo nanamang nadadagdagan ang mga tanong ko sa isip. Padami na sila ng padami, sa sobrang dami nalulunod na ako. Nakakapagod na.

"Hey."

"What? That's where we will end up naman 'e. And maybe more than that."

"Mari.."

"Okay, okay. I'll repeat."

Humarap muli sakin si Marinette. "I'm Marinette Millens, Ezekiel's friend."

Ganon rin yun 'e. Pinababaw niya lang pero doon din naman ang uwi 'non. Sa ganda at perfect niyang yan? How could Aldriz not fall in love?

Tumingin siya kay Aldriz. "Satisfied?" Tapos ay lumawak na muli ang mga ngiti niya.

That's a smile I could never give to Aldriz anymore. Kahit kailan yata hindi ko na magagawang ngumiti pa sa harap niya na gaya noon.

"Oh, before I forget. I have things to discuss with you."

"Excuse us." baling niya sakin habang nakangiti, hindi ko naman siya nagawang tapunan ng ngiti. "Nice to meet you, Amethyst."

Hihilahin na sana ni Marinette si Aldriz paalis pero humarap ito sa akin.

"Amethyst, I'll call John to pick you up. I'll just finish some business." business..sige, sabi mo yan eh.

"Take care."

"S-salamat po, Sir."

Nginitian niya lang ako bago sila tuluyang umalis. Naiwan naman ako na mag-isa. I sigh. Napagdesisyunan kong bumaba nalang at maupo sa kung saang bench. Kailangan ko ng hangin.

Ilang oras na rin pero wala naman na dumarating. Naubos ko na rin yung popcorn na binili ni Aldriz, kinain ko nalang kasi sayang naman kung itatapon ko lang, pakiramdam ko nagiging emotional na ako pero pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Mga dalawa o tatlong oras yata ako dito. Mukha na akong tanga kakahintay, iniisip siguro ng mga dumadaan na kawawa naman ako kasi mukha akong batang naiwan ng parents sa mall.

Lalo kong pinigilan ang luha ko. Ma, Pa. Bakit niyo po kasi ako iniwanan agad? Nahihirapan na po ako..Kung nandito lang sana kayo magiging madali lang ang lahat para sakin, miss ko na po kayo. Gusto ko kayong yakapin at umiyak lang ng umiyak sa mga balikat niyo hanggang sa mawala po yung bigat na nararamdaman ko, gusto ko po na kamustahin niyo ako at magsasabi po ako sa inyo ng totoo kong nararamdaman, gusto ko rin po kayong kamustahin, tapos sabay tayong kakain at magtatawanan na parang walang nangyari pagkatapos. Ma, Pa..sana po..nandito kayo sa tabi ko..

Hindi ko na napigilan, may isang luha na pumatak sa mata ko. Agad kong pinunasan yun. Ayokong umiyak, hindi dito.

"Hi, Ame." bigla akong nabuhayan ng loob nang marinig ko ang boses na yun. Agad akong napataas ng tingin at tama nga ang hinala ko.

Si John.

Para akong nabunutan ng tinik. Sa mga panahon talaga na kailangan ko ng isang tao na karamay, laging nandyan ang presensya ni John. Siya lang talaga ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko.

"Oh, John? Tinawagan ka ba ni Aldriz? Nakakahiya naman, abala ka yata."

"Huh? Hindi. Nandito ako around the area dahil nag-meeting kami habang nagl-lunch sa isang restaurant dito. Tapos naisipan ko muna maglibot. Ayan, tinawag kita kasi nakita ko parang pamilyar."

"Ahh. Ganun pala."

Napakunot ang noo niya habang nakangiti. "Why? Magkasama ba kayo ni Ice? Asan na siya?"

"Ah, oo kanina. Chineck niya kasi yung floor."

"Ganun ba? Eh bakit mag-isa ka rito?"

"Dumating kasi yung isa sa mga model niyo--Si Marinette Millens? May pag-uusapan daw sila." Napalunok ako. "Sabi ni Aldriz tatawagan ka daw niya para sunduin ako pabalik ng mansion. Nakalimutan niya siguro."

"What? Edi kanina ka pa rito?"

"Ayos lang, hindi naman masyadong matagal mag-iisang oras pa lang nama--."

"No, hindi ayos yun." hinila niya ako sa kamay kaya napatayo ako. "Come on, Ame. Puntahan natin si Ice."

"B-bakit? 'Wag na John!"

"Chill. Wala naman akong gagawin. Iche-check ko lang din yung floor."

Nang makarating kami ni John sa floor, naabutan namin na maraming tao. Nauna si John maglakad ang daming tao, mga staffs yata sila.

Todo iwas ako, pero may nakabunggo sakin galing sa likuran, nagmamadali kasi siya 'e.

"Ah!" napaupo ako sa sahig.

"Sorry, Miss!---"

"Cloe?!" Napatingin ako sa nakabunggo sakin habang iniinda ko ang pagbagsak ko sa sahig.

Laking gulat ko dahil sa nakita kong nakatayo sa harap ko na gulat na gulat rin.

Si Allen!

***

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon