Chapter 3

54 3 0
                                    

CHAPTER 3: MGA MATA

AMETHYST

"Attention to all of the Frisces Maids, this is Madam Delia, please go to the entrance door immediately as per Sir John's words."

"Attention to all of the Frisces Maids, this is Madam Delia, please go to the entrance door immediately as per Sir John's words."

"Attention to all of the Frisces Maids, this is Madam Delia, please go to the entrance door immediately as per Sir John's words."

paulit-ulit na announcement dito sa mansion. Nagulat ako dahil nagpupunas ako ng mga flower vase nang biglang may tumunog na speaker, pinapatawag yata kaming lahat sa entrance door.

Agad kong ibinaba yung hawak ko at nag-alcohol ng kamay. Mabilis kong tinulak yung cart na may cleaning materials pabalik sa cleaning materials room bago tumakbo papunta sa entrance door.

Pagdating ko nakita ko yung mga maids na nakapila na akala mo may face off sa basketball. Dalawang lines at parang military. Nagtaka ako, anong meron?

Nagtataka man ay lumapit ako sa tabi ni Anja nang makita ko ito. "Hi Anja. Anong meron?"

"Uy ikaw pala, Ame. May bisita tayo. Iwe-welcome natin siya."

"Sino naman?"

"Best friend ni Sir John, at the same time business partner na rin. Nandito siya para sa business vacation for their upcoming project."

"Ohh, ang cool naman." tanging nasabi ko.

Napatingin ako sa bawat isa, seryoso kasi silang lahat, tinitignan ko isa isa ang mga maids, napadako ang tingin ko kay Hazelyn na tinaasan ako ng kilay pero hindi naman mataray ang approach niya.

Ilang minuto pa at biglang bumukas ang malaking entrance door ng Frisces at iniluwa nun si John. May liwanag pa sa likuran niya kaya parang nasa pelikula ang entrance niya. Naramdaman ko naman na parang biglang na-excite si Anja nang makita si John. Hindi ko nalang pinansin, dahil para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maging malinaw ang mukha nung kasunod ni John na naglalakad dahil natakpan kanina dahil sa liwanag.

Hindi siya nakatingin sakin pero parang lahat ng dugo sa katawan ko unti-unti nang nagiging puti, yung pakiramdam ko biglang bumigat na parang gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko at huwag nang lumabas kahit kailan. Pakiramdam ko huminto ang lahat sa paligid ko at ang taong ito nalang ang nakikita ko.

Yung taong apat na taon ko nang pilit kinakalimutan, yung taong apat na taon ko nang kinamumuhian. Yung taong minsan ko nang naging mundo, at yung tao na naging dahilan kung bakit sobrang naghirap ako noon. Yung tao na inaasahan ko na hindi ko na makikita kahit kailan.

Biglang may sumakit sa loob ko, isang matinding kirot na alam kong mula sa puso ko.

"WELCOME TO FRISCES MANSION SIR EZEKIEL ALDRIZ BUENAVENTURA!" sabay-sabay na saad nilang lahat, pero walang ibang lumabas sa bibig ko kundi..

"A-aldriz.." mahinang usal ko nang hindi ko namamalayan.

Napansin niya siguro dahil unti-unting napadako ang tingin niya sa gawi ko. Bakas ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam pero sa tingin ko, nabigla siya.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Naging isang parang napakasakit na tagpo nito para sakin. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag, pero walang luhang gustong pumatak kahit isa sa mga mata ko, imbes na tuwa ay nanikip ng sobra ang dibdib ko, siya nga. Si Aldriz nga.

"Ame-Amethyst?" Saad niya na may halong matinding pagkabigla.

Hindi namin inaasahan na magkikita kaming dalawa ngayon. Kaya hindi namin alam ang mga dapat naming maramdaman.

Nakatingin lang ako sa kaniya ng may malamig na tingin. Habang siya ay nabigla sa mga pangyayari, ako rin ay nabigla pero ayokong ipahalata. Kasi pakiramdam ko parang nawala bigla ang lahat.

Sinabi ko sa sarili ko na ito na ang simula ng panibagong parte ng buhay ko, kaya hindi ko hahayaan na maging dahilan nanaman siya ng pagkasira ng panibagong mundo na binubuo ko.

Kaya ngumiti ako sa kaniya na parang ngayon lang kami nagkita. Buong tapang akong bumati sa kaniya bilang maid ng Frisces. "Welcome to Frisces Mansion, Sir Ezekiel Aldriz Buenaventura!" ginaya ko pa ang tono ng ibang mga maids kanina at taimtim na nag-bow.

Ginawa ko yun para hindi magtaka ang ibang mga maids, at para na rin ipakita na hindi na ako apektado sa kahit ano pa man na may kinalaman sa kaniya. Basta ang alam ko lang ngayon,

Hindi na ako dapat maging parte pa muli ng buhay niya at ganun rin siya sakin.

Pagkataas ko ng ulo ko, ni hindi man lang siya gumalaw kahit isang galaw. Nakatitig lang siya sakin, at hindi ko maintindihan ang emosyon na nilalabas ng mga mata niya.

Naiilang akong naglipat ng tingin kay John na nakatingin din samin na parang hindi alam ang gagawin. Nang magtagpo ang mga mata namin ni John, na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.

"Ahh--Welcome Aldriz! Madam Delia, magpahanda na po kayo ng dinner para mamaya, and the rest, back to work!" pagkasabi ni John nun, lahat ay umalis na at naiwan kaming tatlo dito sa tapat ng entrance door.

"Amethyst, I can explain.." ani John pero nginitian ko lang siya.

"Wala kang kailangang i-explain John. Nandito ako para magtrabaho, gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin." tumingin ako kay Aldriz. "At sana ganun din ang gawin nating lahat."

"Amethyst.." banggit ni Ice--este ni Aldriz ng pangalan ko. Parang may kung ano sa loob ko pero hindi ko nalang para pansinin pa yun.

"Magt-trabaho na po ako, Sir John. At welcome to Frisces Mansion, Sir Ezekiel. I hope you'll enjoy your stay here." magalang na saad ko bago tuluyang tumalikod at lumakad paalis.

Sa tingin ko, tama si Hazelyn.

Kung gaano ako kadali na nakapasok dito sa mansion, ganun kahirap ang bagay na kakaharapin ko.

***

I'D RATHER (Completed) • InkOfAgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon