Bakit kayo ganyan

96 1 0
                                    

Gabi na naman
nilalamon na naman ng kalungkutan,
Matutulog na naman bang luhaan?
mababasa na naman ba ang unan?

Nakakasawang masigawan
sisihin kahit walang kasalanan,
Sa bawat galit ay napagbubuntungan
ako'y napapatanong "bakit kayo ganyan?"

Bakit kayo ganyan?
ako'y kapamilya rin naman,
Kung ituring ay parang katulong lang
nakakapagod ano ba ang kulang?

Bakit kayo ganyan?
bakit ako sinasaktan?
Bakit palagi na lang ganyan?
palagi na lang bang masusugatan?

Kung pwede lang lumisan
at tuluyan kayong iwan,
Ngunit 'di ko makayanan
nais lang malaman "bakit kayo ganyan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taludtod ng tulaWhere stories live. Discover now