Huwag na huwag kang malilito
kung nasan nga ba talaga ako,
Baka 'di mo lang pansin na ako'y nandidito
patuloy na naghihintay sayo'Di alam kung kailan ka magbabalik
alam ko lang na ako'y nananabik,
Sabik na sayo'y muling makipagbiruan
mga simpleng biro na ating tinatawananNakakapagod maghintay sa wala
maghihintay hanggang damdami'y mawala,
Imposibleng pagtingin ay malimot pa
dahil sa kakaibang saya na saki'y 'pinadamaHindi ko lubusang maisip na ako'y nandito
nandidito nag-aabang lamang sayo,
Bakit nga ba nandidito pa rin ako?
konti na lang gusto ko nang sumukoSumuko? Hindi ko kaya, paano nga ba?
paano nga ba kung ako pa ri'y umaasa,
Umaasa na isang araw magbabalik ka na
na ang mga sana ay mangyayari paPalagi mong alalahanin na ako'y nandidito
tuloy pa rin sa paghihintay sayo,
'Wag mong kakalimutan na meron kang ako
ako na sasalubong sa pagbalik mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/341418492-288-k607888.jpg)
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.