Bagong simula

84 5 0
                                    

Isa itong tula
galing sa isang makata,
Bagong simula
ito ang aking paksa

Aking nakaraan
puno ng kadiliman,
Pusong nagdaramdam
puno ng kalungkutan

Ang bawat tinig
ay hindi marinig,
Bawat katotohanan
ay 'di mapakinggan

Sa bawat kamalian
ako ang may kasalanan,
Hanggang kailan pagsisisihan?
mga bagay na walang kinalaman

Ako'y sumuko
mga luha'y tumulo,
Walang handang makinig
sa sigaw ng pusong walang himig

Dumating ang katapusan
lahat ay binitawan,
Ngunit may bagong sisimulan
lahat ay duruktungan

Sa bagong simula
handa na muling lumagda,
Umaapaw sa pagsubok
hanggang sa marating ang tuktok

Bagong simula
limutin lahat ng masakit na napala,
Tinig ay may himig o wala man
'tutuloy hanggang sa marinig naman

Hindi pa nagtatapos
oras ay 'di pa nauubos,
Kumawala sa problemang gumagapos
hanggang makamtan sayang lubos.

Taludtod ng tulaWhere stories live. Discover now