Paglisan

108 4 0
                                    

Ang daya ng tadhana
pinagkaitan ni bathala,
Bakit kailangan lumisan?
lilisan kahit nahihirapan.

Sa aking paglisan
sana'y iyong makalimutan,
Hindi nais masaktan
ngunit ito ang kailangan.

Ako'y lilisan
para sayong kalayaan,
Iyong kalayaan
na nais makamtan.

Wala ng tayo
'yan ang totoo,
Ika'y hahayaan
sa totoong kasiyahan.

Hindi na ako
'yan ang alam ko,
Ako'y magpapaalam
kailangan nang lumisan.

Taludtod ng tulaWhere stories live. Discover now