Tayo

162 4 0
                                    

isa, dalawa
sasabihin ko'ng gusto kita
uulitin ko bagay tayong dalawa,
alam mo'ng mahal kita
ikaw lang, aking sinta.

tatlo, apat
maraming salamat
pinaramdam mong ako'y sapat,
ibibigay ko sayo'ng lahat
mga bagay na sa iyo'y nararapat.

lima, anim
bugso ng damdamin
sa iyo'y diko maamin,
pag ika'y tumitingin
nararamdaman ko'y mas lalong lumalalim.

pito, walo
ako'y iyong laging inaalo
ikaw ay aking iniidolo,
pag-ibig ko'y para sayo
sayo lamang mahal ko.

siyam, sampo
di inaasahang pagtatagpo
sa iyong titig ako'y nalulumpo,
ako lamang ay sayo
kahit wala pang tayo.

ating pag-ibig
sana'y di manlamig,
ating pagmamahalan
di sana magkaroon ng hangganan.

tayo'y nagmamahalan
ito'y iyong tandaan,
nagdesiyon na si bathala
sabi nya tayo ang nakatadhana

Taludtod ng tulaWhere stories live. Discover now