Sa tulang ito ikaw naman ang tutukuyin ko
oo ikaw, kahit hindi pa tayo nagtatagpo,
Ako'y napapaisip kung anong itsura mo
ayos lang sakin kung hindi ka ganon kagwapoBasta iyong puso'y parang ginto
kumikinang sa sobrang busilak nito,
Kahit 'di ganon kayaman gaya ng inaasahan ko
basta marespeto ka kagaya ni JuanitoSayo'y marami akong gustong malaman
kaya mo bang abutin ang aking pamantayan?
Sana ikaw ay may katangkaran
sana ugali ko'y iyong matagalanKung 'di man ikaw ang aking walang hanggan
ako'y malulungkot ng lubusan,
Sana magtagpo tayo sa 'di inaasahan
'yong pangyayaring may datingan'Yong tipong sa paglingon ko
makakasalubong ng mata ko ang mata mo,
At sa labi mo'y sisilay ang isang ngiti
ngiti na gugustuhin kong masilayan sa 'yong labiKung hindi man kita makakatagpo ng harapan
kung mga kamay mo'y hindi mahahawakan,
Kung 'di mangyari ang hinahangad na kaganapan
ayos lang, basta tayo'y magmamahalanKung sa buhay ko'y hindi magkakaroon ng ikaw
paniguradong 'di maiibsan ang uhaw,
Wala akong magagawa kung ikaw ang nais matanaw
at makasama sa paglubog ng araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/341418492-288-k607888.jpg)
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.