Akala'y 'di hahanga
sa isang kakaibang binata,
Siya ay isang makata
hilig ang paggawa ng tulaSa kaniya'y lubos na humahanga
sa galing niyang lumagda,
Kakaiba ang nilalaman ng bawat pahina
iba iba ang kaniyang nagiging paksaPaksa na 'di ako ang nilalaman
kundi ang babaeng kanyang napupusuan,
Siya'y aking hinahangaan
paghangang nais tularanKung pwede lang sana
na ako naman ang lalamanin ng tula,
Ito'y munti lamang na paghanga
ngunit ayaw ihinto kahit 'di na tama.
![](https://img.wattpad.com/cover/341418492-288-k607888.jpg)
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.