Mga simpleng kasiyahan
na napalitan ng kalungkutan,
Nanatili sa nakaraan
na hindi babalik kailanmanMga ala-alang napaglipasan
mga nangyaring kinasasabikan,
Sa ala-ala'y bumabalik
ala-alang patuloy na tinatangkilikNangyari noong lumipas
sana'y hindi kumukupas,
Sana'y'di makalimutan
kasabay ng mga pinagsamahan'Wag sanang mabura sa ala-ala
mga simpleng biruan na dulot ay saya,
Mga ala-alang kayo ang kasama
na naghahati sa problema at sayaAng sarap babalik balikan
pagkakaibigang walang hangganan,
Simpleng samahan
na kapatid ang turinganAno pa nga ba?
lahat ay parte lang ng ala-ala,
Katotohanang wala na ang lima
dahil ang dalawa'y lumisan na.
![](https://img.wattpad.com/cover/341418492-288-k607888.jpg)
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.