Nakakabinging katahimikan
bumabalot sa kapaligiran,
Niyayakap ng kalungkutan
ngunit siya ay nandiyanSa madilim na kalangitan
doon siya'y matatagpuan,
Kay sarap pagmasdan
kaniyang kagandahanPinaliligiran ng mga bituin
sinasabayan ng malamig na hangin,
Liwanag niya'y kay sarap damhin
nagpapakalma sa aking damdaminGandang 'di mapantayan
liwanag na walang katapusan
Si luna na nag iisang buwan
siya ang aking kasiyahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/341418492-288-k607888.jpg)
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.