Gulong gulo aking isipan
wala na bang pagpipilian?
Bakit kailangan pakawalan
aking nasimulanRason ay iisipin
sarili ay hahanapin,
Pangarap ay tutuparin
pagkatapos ng matinding suliraninMasakit para sakin
ngunit atin nalang tanggapin,
Huwag nalang isipin
na ito'y aking lilisaninAko'y titigil muna
sa pagiging makata,
Hindi matanggap
isasantabi muna ang pangarap'Di iiwan ang pagiging manunulat
itutuloy ang pagsulat,
'Di kakalimutan aking panulat
itutuloy sa paghilom ng sugatAko'y pagod na
ako'y magpapahinga muna,
Hindi kakalimutan
ang aking nasimulanPaubos na ang aking tinta
papel ay sobrang nipis na,
Magpapaalam na
ako'y magpapahinga naHandog ang tulang ito
sa pagsasara ng aking kwento,
Ibabahagi aking mga tula
hanggang sa susunod na simula.
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.