Lahat ng bagay ay may dahilan
ano ba ang dahilan ng 'yong paglisan?
Ayaw ko nang manghula sa nangyari
balik ka na at ikaw na mismo ang magsabiKailangan kong malaman ang iyong rason
na sa pag-iisip ng mga bagay saki'y mag-aahon,
Patuloy na nagtatanong bakit nga ba lumisan
ngunit hindi masagot ang mga katanunganBakit lumisang walang paalam?
ang 'yong paglisan ay dinaramdam,
Walang iniwan kahit kapirasong liham
ako'y nangungulila hindi mo ba alam?Hindi man lang sakin nagpaliwanag
biglang lumisan nang walang nililiwanag,
Ano nga bang problema?
ako'y hindi mapakali at nag-aalalaAko'y naniwala sa “gusto kita”
ngayon nagtatanong kung nasaan ka na?
Palaging sinasabi na “hihintayin kita”
ngunit paano kung hindi na babalik pa?Ika'y nais kong tanungin
maraming bagay ang nais kong sabihin,
Wala pang tayong nasisimulan
ngunit ika'y agarang lumisanLumisang walang tinitiyak
kakaibang sakit sa pusong umiiyak,
Sa isipan nais kong itatak
na magbabalik ang dating yapak.
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.