Paubaya

136 4 0
                                    

Mahal kita
ngunit masakit na,
Ako yung nandito
pero siya ang hanap mo.

Ako ang kayakap
ngunit siya ang hanap,
Sakin nagtagal
ngunit 'di ang mahal.

Akala ko hanggang dulo
ngunit hanggang dito nalang 'to,
Hindi na kayang isalba
dahil ako'y pagod na.

Bakit 'di mo sinabi?
na siya ang 'yong nais makatabi,
Sakanya ka masaya
pero bakit nandito ka pa?.

parehas nahihirapan
parehas nasasaktan,
Ika'y naghihirap sa kasinungalingan
ako'y nasasaktan sa katotohanan.

Ginawa ang lahat
ngunit 'di naging sapag,
Mayroon pa bang kulang?
o baka sadyang manhid ka lamang.

Ika'y aking pinapaubaya
isasaalang alang nalang kay bathala,
Mahal kita
ikaw ay malaya na.

Masakit isipin
kailangan tanggapin,
Ako ang sinimulan
at siya ang katapusan.

Taludtod ng tulaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz