Nakakapagod mangako
ayaw ko na makarinig ng pangako,
Masakit sa tainga ang mga salitang ito
na hindi pinapanindigan ng taoAnong silbi ng pangako?
sarili'y iyo lamang binibilanggo,
Bilanggo sa katotohanan
na 'di kayang panindiganMga salitang masarap sa pakiramdam
ngunit iba ang dating sa agam-agam,
Bakit ba kailang pang pangakuan?
kung pwede namang sabihan ng deretsahanSarili'y inyo lamang niloloko
dahil sa pangakong napapako,
Mga salita'y 'di dapat nilalaro
lalo na ang mga pangako.
YOU ARE READING
Taludtod ng tula
PoetryMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.