Noong araw na ika'y lumisan
nabuo sa isip ang pag-aalinglangan,
Mga tanong na gumulo sa aking isipan
"Nasaan ka na? Bakit mo ako iniwan?"Hinanap lahat ng posibleng dahilan
ngunit pangyayari'y kay hirap hulaan,
Naghintay hanggang ako'y balikan
umaasa kagaya ng usapanAng 'yong paglisan ay biglaan
sitwasyon ay 'di napaghandaan,
Napatanong kung may kakulangan
dahil sa 'yong paglisang 'di inaasahanWalang komunikasyon sa ating pagitan
kaya takot ay aking nararamdaman,
Na baka damdamin mo'y makalimutan
o damdamin ko'y sumabay sa 'yong paglisan.
ВИ ЧИТАЄТЕ
Taludtod ng tula
ПоезіяMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.