Ikaw at ako
imposibleng maging tayo,
Ako nga ba'y ginugusto
o, pinapaasa lang akoKahit na 'di ko aminin
alam mo ang aking damdamin,
Paano nga ba aaminin
kung malabong ako'y gustuhinSa simpleng pagtawa
ika'y ginugusto na,
Ginugusto kita
ay hindi, minamahal na palaHumihiling ng lubos
oras sana'y hindi muna matapos,
Luhang hindi na uubos
sana'y hindi muna bumuhosKahit pinapaasa
ako'y napapasaya,
Sana'y makita
aking lihim na paghangaIto'y pekeng mundo
lahat ay 'di totoo,
Isa lang ang may katotohanan
na ika'y aking nagustuhanKung panaginip man ito
nais na lang matulog hanggang dulo,
Mananatiling ikaw at ako
hanggang sa susunod na kwento.
JE LEEST
Taludtod ng tula
PoëzieMga tulang produkto ng aking imahinasiyon, ngayo'y ibabahagi sainyo.