"Ikaw talagang bata ka, wala iyon. Ako na ang nagpalaki sa papa mo. Alam kong may rason sya at hindi lamang sinasabi saakin kasi pamilya nya ito at ayaw niyang madamay pa ako, I know he can handle this. Matalino ang papa mo,"

I agree to manang. My dad is smart I just didn't know why and how he turned like this.

"Umuwi nga pala ang mommy mo,"

Nilingon ko si manang at hindi ko maintindihan kung bakit may himig ng  lungkot sa boses niya sa pag-uwi ni mommy. May nangyari ba nung nawala ako? Kaya ba bumalik ang daddy na kilala ko?

"Dala-dala ang kanyang maleta. Nagsisigawan sila ng daddy mo, may ibinigay na papel din sa daddy mo. Pagkalabas nya ay may kasama siyang lalaki, iyong lalaking nakita natin sa hotel ng mommy mo."

Tumango ako sa kanya. I knew it. My mom filed a divorce paper. Kaya siguro ganon na lang ang galit ni daddy nung mga nakaraang araw.

His feeling is valid

His emotion is valid.

Hindi nya pa ako nasasaktan ng ganon before. I knew about his action. There is something happening to this family. I don't know how can I resolve this, how can I help my father.

"Kumain ka na, para maibigay mo na din ito sa daddy mo. Huwag mo na pakaisipin pa ang sinabi ko. I know your father will solve this for you."

Tumango ako sa kanya at sinunod ang kanyang bilin. It will going to be alright. I took a picture of my cookies and posted it to my IG with the caption of 'Cookies for those who I love'

Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa taas at nag ayos. Kinuha ko ang cellphone ko ng may nag notif don at inulan ng comments ang nag-iisa kong post.

@iloveyouNikiyah: hala! Si ante nyo Ashiana nagpost. Hi lodi pa notice po.

@haily09: Ay biglang nabuhay.

@aidenx: Thank you. I look forward receiving your cookies.

@mamamomlue: hala nag comment si fafa Aiden. Dumafamoves ang loko.

@aidenx: Shut the fuck up Liam. Wag kang manghihingi sakin.

Wala akong kilala sa mga nag comment. But they make me smile because of their jokes. Maybe I should lower my wall and be open for friends.

What if I post 'Open for Applicants to be my best friend?' Napailing ako sa mga iniisip at kajejehan ko. Napaka-akward.

I leave my room.

"Tara na po manong."

"Wala na bang masakit sayo? Saan ang punta mo?"

Umiling ako sa kanya at binigay ang cookies na inihanda ko din sa kanila. Iniwanan ko din si manang para kahit mag-isa sya sa bahay ay may maatupag siya at iyon ay ang pagkain.

"Masarap, gawin mong business ito, ay naku patok iha. Kamukha mo man ang mommy mo pero kuhang-kuha mo naman ang talento ni sir."

Nginitian ko sya at nagpasalamat. Maraming nagsasabi ng ganon na para daw ako si daddy kung mag-isip at kumilos.

"Sa BARVIER law Firm po tayo manong. Ibibigay ko kay dad."

Hindi lang ako iyong masaya sa araw na ito. Sana hindi na matapos ito o hindi naman kaya ay magpatuloy na ito.

Umakyat ako sa building ni dad at hindi sinasadyang may matabig akong tao kaya inis ko syang hinarap.

"Wow, woman. Lagi ka na lang bang galit tuwing makikita kita." Nahuli ko ang mata niyang tinitigan ang hawak ko.

Smile flashed to his face that made me annoy.

"Cookies? Thank you, nag-abala ka pa." Akma niyang kukunin yung box ni dad kaya tinambil ko ang kamay niya.

"Hindi para sayo yan,"

Naiinis ako at nagmamadaling lumakad ng sundan parin niya ako. Bakit ba ang kulit ng tao na ito. Kailan nya ba ako tatantanan.

"You have a boyfriend? Intern sa law na ito? Did you know that bawal ang bisita dito?"

Tumigil ako at hinarap siya. Nagkabungguan ang katawan naming dalawa at muntik na akong matumba  kung hindi niya nahawakan ang bewang ko at inalalayan maibalik ang balanse ko. Umatras alo sa kanya.

"At bakit andito ka kung bawal ang bisita?" I rolled my eyes.

"My father co-own this firm,"

Tumango ako sa kanya at muling naglakad papunta sa office ni dad. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa aking likod.

"Sungit."

Rinig ko pang pagkakasabi niya. Walang dahilan akong napangiti at napabulong sa sarili.

"Kulit" pertaining to that man.

His father owns this, and my father also owns this. We're close but not totally close. His opposite of me. And I hate everything he has. There is no particular reason. I just hate him. Did we know each other?

Words that can't be writtenWhere stories live. Discover now