Chapter 9

1.3K 31 0
                                    

Umuwi ako sa bahay ng pagod na pagod ang katawan. Paano ba naman napasabak agad sa biglaang practice sa pagrampa dahil iyon pa laang ang araw na available ang magtretrain saaming mga contestants

Naupo ako sa sofa at nagulat ng makita don si mommy. Lumapit ako sa kanya at yinakap para batiin. Napatigil ako ng makita ko ang panibagong dalawang maleta niya.

Tinignan nya rin ang tinitignan ko at hinawakan nya iyon ng mahigpit. "I'll be out in the country for one month, for business negotiations. " She explains.

Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan sa pisngi. Umakyat ako sa taas ng kwarto ko. Pagod na ako sa parehas niyang dahilan. Same date, month, iyan din ang sinabi nya saakin sa magkakaibang taon nga lamang.

Tuwing susundan ko siya lagi ko siyang nakikita kasama ang parehong lalaking ipinakilala niya kay dad bilang bagong asawa. Karl Louie Cruzat, I will never forget that name.

Napatilapon ako sa gilid ng kama at tumama ang noo ko. Napadaing ako sa sakit ng ulo ko. Naliliyo akong tumayo at hinarap si mommy na galit na galit ang itsura at ginusot ang letter for approval na sasali ako sa Mr. & Mrs. Ateneo.

Hindi ko makuha kung ano pa ang kinagagalit niya. Hindi ba dapat maging masaya naman sya para saakin? Na salamat at sumusunod sa kanyang yapak ang anak niya?

"Hindi ka sasali dyan, Ashiana!" Sigaw niya saakin.

Kinuha niya ang bag ko at inilabas don ang heels at pinutol iyon. Ginulo nya ang mga make-up ko at ginupit ang mga damit ko.

Umiyak na ako ng lapitan ako ni mom para bigyan ng malakas na sampal. Pumalik sa left side ang ulo ko sa pagdapo ng kanyang kamay. Ramdam ko ang hapdi at pamamakat ng kanyang kamay roon.

Walang boses at puro pagtulo lamang ng luha ang nagagawa ko. Hindi ako makasigaw sa sobrang sakit. Hindi ako makapagreklamo kasi ina ko sya. Siya ang bumuhay at nagpalaki saakin. Respeto pa lang ang kaya kong ibigay.

Narinig ko ang nagmamadaling yabag paakyat sa kwarto ko. Agad namang sinarhan ni mom ang room ko at kinuha  niya ang gunting. Napaatras ako ng akala ko ay sasaksakin ako pero napasinghap ako ng dumapo iyon sa mahaba kong buhok.

Kahit papaano, she can't kill me.

I cried. She said that I needed to take care of my hair and let it grow. She believes that hair can express my feelings and thoughts, but she just cuts it.

Doon na kumuwala ang malakas kong hagulhol. Pagod na pagod na ako. Pagod ako physically. Pagod ako mentally. Pwede bang pagpahingahin nyo naman ako?
Gusto ko na magpahinga.

Biglang bumukas ang pintuan at laking pasasalamat ko ng makita ko don si dad. Agad nitong inagaw kay mom ang gunting at itinapon iyon sa kung saan.

"What the fuck did you do to your own daughter,  Ashtinia!"

"She's not my daughter, Rigiel!" Sigaw pa nito. "Isa lang ang anak ko! I have a son and not a daughter! Alam mo iyan!"

Nagmadali siyang umalis at kinuha ang maleta sa baba. Yinakap ako ni daddy at hinalikan ang maiksi ko ng buhok.

Mahigpit akong kumapit sa damit ni daddy at doon uniyak. "Hindi ko na kaya daddy, gusto ko ng mamatay. She have a son? I am not his child? She hates me? Please, tell me the truth."

Ramdam ko ang pagmamasa ng likod ko. Did he also cry?

"No, I'm here, daddy is here. I won't leave you. She just said it out of emotion. You know that, right? You are a psychology student. You can read her."

Isang oras niya akong pinakalma bago ako tumigil sa kakaiyak at maging maayos ang pakiramdam ko. Pero hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay mabigat pa rin itong dibdib ko.

Ginamot ni dad ang maliit na guhit sa noo ko.

"Sorry, I'm always late."

"It's okey your here now." I said to my dad and gave him my sweet smile again. Ang hirap ng ipakita. Ang hirap ng ngumiti.

"You should join. Enjoy your life. Socialize and explore." Pangungimbinsi pa nya saakin na ipagpatuloy ang pag-eensayo at panonoorin niya ako sa araw na iyon.

I doubt it na iiwan niya ang trabaho para lang saakin. Matagal ako bago makasagot sa kanya at tumango.

"I'm tired. Gusto ko ng magpahinga ng matagal."

"Magpahinga ka na, dito kang ako sa couch. Babantayan kita."

I got teary eyes when he said that. Sa tuwing hindi ako okey palagi siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako pinabayaan. Lagi niyang inaantay na maging okey na ulit ako bago nya ako muling iwan.

Hindi ko alam kung para saan pa ang mga pagdamay niya kung aalis din naman sya sa tabi ko. Bakit ba hindi kayang manatili ng mga tao sa tabi ko. Palagi na lang silang umaalis kapag okey na ako. Saka na lang babalik kapag hindi na.

Should I be grateful?

I can't be grateful because I am still asking God to give me someone who won't leave my side.

Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam ko. Nakita ko si dad na tulog sa couch at hindi ko na siya ginising. Bumaba na ako para magluto ng umagahan naming dalawa.

Maaga rin ako sa school dahil sisimulan na namin ang food court and booths. May mga practice pa at rehearsal na gagawin para sa pinaghahandaang araw ng nga Ateneans.

Nakita kong bumaba na si dad kaya sinalubong ko siya ng yakap at iniabot ang kape niya.

"Good morning, dad! Thank you for last night."

Niyakap niya ako at inilagay ang kamay sa noo ko. "May pasok ka? Why not magpahinga ka na lang muna ulit? Mainit ka baka trangkasuhin ka nyan. Gusto pa naman kitang mapanood na lumalakad sa unahan at marami ang simisigaw ng pangalan mo, pero syempre sisigaw din ako na 'anak ko yan',"

"Si dad talaga dami na agad na sabi. Kaya ko pa naman po ito oh, pinagluto ko pa kayo ng umagahan at lunch." Pagmamalaki ko at pinakita amg muscle ko.

Saktong lumabas si manang galing kusina at pinaghanda din ako ng cookies nadadalhin ko kay Aiden dahil kahapon pa ako kinukulit sa ipinangako kong cookies.

"Tsk. nako, Rigiel. Manag-mana si Ashiana sayong kakulitan. Hayaan mo pinabaunan ko na yan ng gamot. Madami na yang pinagdaanan kaya malakas na yan. Wag ka ng mag-alala at intindihin mo ang tranaho mo. Nakakatanggap ka na naman ng death threaths."

Normal na iyon para sa aming pamilya, pero syempre andon pa rin ang takot kaya lagi namin syang pinapaalalahanan. Masyado kong mahal si dad. Hindi ko alam gagawin ko kung pati sya mawala.

"Keep safe, dad. I love you." I said and let manong drive me to my school.

Words that can't be writtenWhere stories live. Discover now