Chapter 46

820 17 6
                                    

Sabay kaming bumaba ni Aiden. He held my hand and put it in his pocket. Sinalubong kami ni Mrs. And Mr. Xavier at inayang maupo na para makapagdinner. Pinatirahan na din nila ng pasta si Reziel para daw makakain agad ito pagkagising.

"Nakatulog ba si Aiden at natagalan kayo sa pagbaba?" Tinignan ko si Aiden na ngayon ay nakangisi na habang ako ay kinagat ang pang ibaba kong labi dahil sa hiya ng itanong iyon ng kanyang ama.

"Yes, dad. We also eat our snacks their." Itinulak ko si Aiden paalis sa aking tabi at nauna ng umupo. Humalakhak naman ang matandang Xavier at binigyan ang anak ng thumbs up.

Hinampas naman ito ni Mrs. Xavier at pinatigil ang dalawa sa kalokohang namumuk sa kanilang isip.

"Namana ni Aiden sa kanyang ama ang kalokohan kaya sana mapagtyagaan mo kapag nagsama na kayo. Kung pagod ka na ibalik mo saamin at amin ng itatali." Hirit pa ni Mrs. Xavier.

Nagtungo naman sa likod nito si Aiden at yumakap at binigyan ng halik ang kanyang ina. "Papagudin ko lang siya sa ibang paraan, mommy." Kinurot siya ng kanyang ina kaya napatalon na umalis sa tabi nito.

Umupo na siya sa aking tabi at nagsimula na kaming kumain. They talk about business and also ask me if may mai-ooffer silamg tulong para sa bago naming ilalabas na produkto. Sinabi ko naman na okey na ang lahat at hindi ko gustong tanggihan ang kanilang tulong.

"Sa mga susunod na araw, Aiden double your family's security. Malapit na naming makita kung saan nagtatago si Adrian at ang mga kasabwat nito sa attempted murder at pagpatay sa ina ni Ashiana Keep your family safe hindi natin alam kung sino ba talaga ang kalaban. The firm is slowly rotting, madami ng umaalis dahil miski sila ay natatakot makialam."

Tumamgo si Aiden at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Tinignan ako at binigyan ng assurance na magiging okey na ang lahat, hindi ko ito haharapij ng mag-isa dahil tutulong sila, at kasama ko na siya sa laban.

Bukas na bukas din ay babalik kami ng aming condominium para kuhanin ang mga gamit namin ni Reziel. Gusto ni Aiden na magkasama na kami sa bahay, ayaw niyang maguluhan si Reziel sa set-up naming dalawa at kung saan nga ba dapat siyang manatili.

Maaga kaming nagising lahat at nagpaalam na kila mama at papa. They want me to call them in that way this make them view that I am not excluded from their family.

Hinayaan kong magpaalam na si Reziel at mangakong babalik siya para bumisita. Magsisimula na din ang kaniyang pasukan at nagpaalam na baka hindi mapadalas ang kanyang pagdalaw.

Maingay ang buong byahe at maraming tinatanong sa kanya si Reziel. Sinasagot naman ito ni Aiden kahit na patungkol sa aming dalawa noon, trabaho niya, and she's also curious about the work of her grandparents and tita. That makes her change her dreams again.

I smiled and let her figure out kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa pagtanda nya. Ngayon ay susuportahan namin siyang gawin lahat ng gusto niya ng walang naririnig na negatibong salita saamin o maging sa iba.

Natigil sa pagtatanong si Reziel ng makitang tumatawag si Traciel. She stopped and looked at Aiden, who was still driving.

"Dad, your wife is calling you. Do I need to pretend that you're my doctor? Do I need to cover you up?"

Umiling si Aiden at sinenyasan akong ako na ang sumagot ng tawag. Kinuha ko iyon at sinagot.

"No, you don't need to. We already talked about this. You are my only child, and my wife is your mom. Both of you are my one and only family. I want you to understand that."

Tumango si Reziel at binigyan ng matamis na ngiti si Aiden. Samantalang binalingan naman ako ni Aiden ng tingin at tinatanong kung ano ang sinabi ni Traciel. Umiling ako at sinabi kong walang nagsasalita sa kabilang linya.

Words that can't be writtenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora