CHAPTER 38

27 4 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

"Aaaaaack! Nand'yan na daw si AcadsKing!"

"Hala, weh? Totoo?"

"Hala, teh! Oo nga! Nand'yan na siya! Kyaaaaaah! Yung asawa koooooo!"

Ayan na naman ang mga kapwa ko delulung reader ni AcadsKing. Mga hindot! Ako nauna d'yan! Pumila kayo! Aba! Bawal tayo kumalma! Inaagaw na ang bebe ko oh!

Ay, delulu na naman tayo. Hahaha! Wala pala tayong karapatan, shet!

Bakit kasi kailangan pa ng karapatan?

Kung kaya ko namang ipagtanggol ang nararamdaman ko para sayo—huy! Hahaha! Sorry ah, mahal lang kasi talaga kita, AcadsKing... Kahit mukhang hindi ako ang magiging para sayo—huuuuy! Grabe ka na, Nathalie! Hakot na hakot ang pagiging delulu girl!

Uupo na lang ako dito sa table namin sa booth. Baka bigla siyang mapadpad dito at biglang bumili ng books ko. Tapos, magpapapirma siya sa'kin. Shet! Talaga naman! Panalong panalo na ako no'n.

Tahimik lang ako na nakaupo nang biglang may lumapit sa harapan ko, kaya napaangat ako ng tingin dito. Laking gulat ko nang marinig ang boses niya't makita ang mukha.

"A-axel?"

"Hi... Inkygirl, tama ba ako?"

"A-anong ginagawa mo dito?"

Ngumisi ito. "Pipirma ng mga libro ko," sagot nito sabay lagpas sa akin, at umupo na sa assigned chairs sa booth nila. Dahil na rin magkaiba kami ng publisher na pinag-publishan ng mga libro namin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ang nametag niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Haha! The world is so small! Dito pa talaga sa pinakamahalagang event ah. Sinusubukan talaga ako ng tadhana! Tsk!

So, si Axel at si AcadsKing ay... iisa?! Pero, imposible 'yon! Hindi mahilig sa libro si Axel! Pa... paano nangyari 'yon?

"Huy!"

Napaigtad na lang ako nang may biglang humawak ng magkabilang balikat ko. Alam na nagpo-process pa lamg sa utak ko yung nakikita ko ngayon eh!

"Ano ba naman, Perish? Ang hilig mo talaga manggulat 'no? Sa tingin mo nakakatuwa yung ginawa mo?" reklamo ko rito sabay irap at halukipkip.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon—"

"Nathalie!" putol ng kung sino man sa sinasabi nitong pinsan ko, kaya sabay kaming napalingon sa side ng taong tumawag sa'kin.

Si Julian lang pala.

Lumapit ito sa kinatatayuan namin ng pinsan ko.

"Hey! Did we met somewhere?" kuha ng atensyon no Perish kay Julian pero ni lingon ay hindi nito ginawa.

"Huy! Tinatanong ka oh!" sabi ko rito sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.

"Nasa iyo lang dapat ang buong atensyon ko at hinding hindi maibabaling sa iba 'yon. Sayong sayo lang, mahal ko," sagot niya, sabay kindat.

Hindi maipaliwanag na reaksyon ang nakita ko sa mukha ng pinsan ko nang marinig niya ang hirit ni Julian. Hahaha! Pati nga ako'y natatawa sa ka-cornyhan nitong si Julian. Jusko!

"Itigil niyo na nga 'yan! Ang co-corny niyo. Tsk! P'we! Kadiri!" reklamo nito saka umaktong naduduwal.

Ay, wow naman. Parang hindi naging jejemon noong sobrang patay na patay sa taong never siyang pinansin. Hahaha! Mukha siyang tanga no'n eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now