CHAPTER 8

27 9 2
                                    

∞∞∞

Zara's POV

---

Pauwi na kaming tatlo nang may grupo ng mga lalake na humarang sa dinaraanan namin kaya agad akong kinabahan, baka kung anong mangyari sa amin ne'to.

"Pre, ang gaganda nila. Pwedeng i-date." Lakas ng amats ng isang 'to ah. Mukhang adik ang g*go.

"Anong date? Date niyo, mukha niyo! Tabi nga at uuwi na kami!"

"Tss, sinong may sabing hahayaan namin kayong makauwi?" sabat nitong isang kasama nila na matangkad na maputi pero mukhang gorilla sa paningin ko.

Aba! Ang yabang ng isang 'to ah. Ang tigas ng ulo.

"At sinong may sabing hahayaan namin kayong pigilan kami?" mataray kong sabi sabay halukipkip.

Magsasaita na naman sana ang kasama nitong merong may kaliitan nang may biglang may magsalita na galing sa kung saan man.

"Anong ginagawa niyo sa mga babaeng 'yan? Nagyayabang na naman kayong mga ulupong kayo. Ahh, nagyayabang kahit na wala namang ipagmamayabang? Tsk!"

At sino naman itong lalakeng... oo na, gwapo na. In fairness, ang tangkad niya. Moreno at mukhang yummy... este mayaman.

Napaharap kaming lahat sa bandang kanan at nandoon siya't papalapit sa amin.

"At sino ka naman para insultuhin kami?" Itong maliit na lalakeng 'to ang yabang yabang.

Ngumisi ito sabay sabing, "Wesley."

"Ang yabang mo ah. Mag-isa ka lang, lima kami. Ano namang laban mo sa'min? Hahaha..." sabi naman ng isang kasama nila na matangkad na may mahabang baba. Hindi naman sa nanlalait, I'm just describing their looks. Haha

"Hindi mo ba ako kilala? Sino ka ba para patulan ko? Sayang naman ang linis ng kamay ko kung madudungisan lang sa mga mukha ninyo," anito nagngangalang Wesley at saka sinamahan ng ngisi.

"G*go ka ah—" amang susuntukin na sana ng isang kasamahan nila itong nagpakilalang Wesley nang may humarang na isa pang lalake.

"Papatol talaga kayo sa kaibigan ko?" anito kaya agad na umayos ng pustura ang limang lalake.

"M-master, kayo po pala. Pasensya na po, pasensya na po talaga," paghingi nila ng tawad—wait, what? M-master? As in... OMG! Is this real?! O nananaginip lang ako?

Ngumisi si Wesley na kaibigan nitong lalakeng matangkad na maputing mukhang masarap—este parang galing sa royal family, ang limang lalake at nakayukong umalis na agad saka tumakbo.

Nang makalayo na ang lima, humarap sila sa amin. "Okay lang ba kayo, girls? Sinaktan ba nila kayo?" Aww, ang sweet ni Kuyang Pogi. Baka maging crush kita, huwag kang ganyan, please? Joke, haha!

"O-okay lang kami, Kuya. Thank you!" Si Nathalie na ang sumagot. Natunganga ako sa angking kagwapuhan niya eh.

Ngumiti pa ito na naging dahilan kaya nahulog pa ang panty ko—este yung puso ko nahulog na yata sa... baka maling tao siya, huwag na lang, hayst!

"Sigurado kayo ah, baka... kailangan pa ninyo ng knight and shining armor, nandito lang ako." Aba! Ang yabang nitong Wesley na 'to. Akala naman niya kaya niya lahat.

"Hindi na, kaya na namin yung mga sarili naman. Oo, pwede na kayong bumalik sa kung saan man kayo nanggaling. Salamat po, Kuya. Mauna na kami kasi kanina pa nagte-text yung Kuya ko at hinahanap na daw ako. Bye, bye!" Animo'y hinahabol si Willow nang dahil sa bilis niyang magsalita.

Tsaka, anong Kuya? Ang tagal na naming magkakaibigan pero ang alam ko lang ay mag-isa niyang anak. Kaya nga wala siyang mapagsumbungan kapag may mga nambu-bully sa kanya noon. Naawa ako kaya ayon, tinakot ko yung mga nambu-bully sa kanya. Sinabi ko lang naman na kapag sinaktan pa nila si Willow, isusumbong ko sila sa pulis na Daddy niya. Bata pa kami no'n. Hindi pa namin kilala si Nathalie that time. Transferree kasi siya sa school noon, kaya late na namin siya naka-close.

So, ayon na nga at hinila na kaming dalawa ni Willow at nagmamadali kaming dinala sa parking area. Grabe yung hila niya ah, kaunti na lang at para na yatang mahuhugot yung braso ko sa balikat ko sa lakas ng pagkakahila niya sa'kin. Hayst!

"Aray ko!" reklamo ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Hahaha! Kuya pala ah, sinong kuya mo 'yon? Eh, mag-isa ka lang namang anak ng Mommy at Daddy mo," natatawang saad nitong si Nathalie.

"Gimik ko para makaalis na doon. Ito kasing si Zara halos hindi tumulo na laway habang nakatitig sa mukha nung lalakeng mestizo eh." Aba't ako pa sinisi. Ang galing, oo!

"Eh sa pogi nga! 'Nong magagawa ko? Haha! Blessing na sana 'yon. Panira ka lang kasi ng moment eh. Sayang tuloy si baby boy,"

"Hahaha! Sayang daw 'yon. Baka di pa pumasa sa standard ko sa lalake. Tsk! Baka nga walking red flag pa 'yon eh. Mag-iingat ka beh, hahaha!" natatawang ani Nathalie sa akin.

Anong akala nila sa akin? Porque ba sinabing pogi, papatulan ko na? Shuta! May standard din naman ako pagdating sa pagpili ng mapapangasawa noh.

"Hoy! Kayong dalawa, hindi porque gwapo 'yon ay papatulan ko na. Grabe kayo sa'kin ah. Kaibigan ko ba talaga kayo? Nakakasakit kayo ng damdamin,"

"Ang tanong, may damdamin ka pala? Eh, ang akala ko ba bato ka? Ano yan? Nagiging fluffy na bato na? Hahahaha!" Aba! Bwisit na Willow 'to ah. Kanina pa 'to sa'kin.

"Buti na lang malaki ang dibdiban mo. Kung hindi lang, baka sabihin ko pa na huwag mo ng dibdibin 'yon at wala ka namang dibdib, hahahahaha!..."

"Aba! Mga b'wisit kayo! Pinagtutulungan niyo talaga ako eh. Tsk! Makauwi na nga lang, baka kung ano pa masabi ko sa inyong dalawa. O kaya sapakan na lang tayo," naiinis na tugon ko.

"Ayoko, mas matangkad ka sa'kin eh. Kay Nathalie na lang, tutal matapang ka 'di ba? Sa kanya na lang." Oh, tingnan mo 'to. Ngingiti-ngiti pa kanina, aatras din naman.

"Ayoko nga! Bakit ba paladesisyon ka, ha?"

"Eh kasi, desisyon ako. Paki mo ba?"

"Oh... hep, hep! Tama na 'yan. Nagbabangayan pa kayo, kanina atat na atat kayong umuwi. Mga punyemas kayo!" Ayan, nagalit tuloy si Nat-nat. Ito kasing Willow na 'to mapang-asar! Kainis, tss.

Nauna nang sumakay ng sasakyan niya si Nathalie, sumunod naman ako saka sumunod itong si Willow. Halos sabay-sabay lang kaming umalis ng school. Kotse naman ang gamit ko kaya madali lang akong makakauwi. Ayokong bilisan yung pagmamaneho ko, baka maaksidente ako. Kaya dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko.

***

Natalie's POV

---

Habang nasa biyahe, pinatugtog ko muna yung radyo at nakinig ng musics. Mainit ang ulo ko ngayon, ewan pero madali akong mairita.

Hoy, hindi ako buntis ah! Virgin baby pa ako. Of course! Hindi ko nga ala humalik eh. As in inosente pa ako, 78%? I'm not sure, haha!

Since, hindi pa ako dinadatnan this month, baka ito yung symptoms. Medyo masakit din kasi yung ulo ko tapos nahihilo na medyo nasusuka. Basta, masamaang pakiramdam ko ngayon.

Kung menstruation man ito, sana hindi sumabay yung puson ko, please lang. Kasi, hindi na ako makakalakad kapag sumaay pati puson. Parang ayaw ko na no'n bumangon sa kama. Gusto ko sa kwarto lang ako maghapon.

Ilang sadali langng nakalipas nang biglang tumunog ang phone ko kaya napatining ako doon na nasa ibabaw lang ng passenger seat. Pinindot ko ang answer button at saka nagsalita.

"Mom?" sagot ko sa tawag.

["Darating ang Uncle Xandro mo kasama ang Tita mo, maghanda ka mamayang dinner. Sinabihan ko na lahat ng kasambahay na'tin na maghanda na rin."] aniya kaya napatango-tango na lang ako. Ang bilis kasi ng pagsasalita niya.

"Opo, noted."

["Ingat sa biyahe pauwi, 'nak! Love you!"]

"I love you too, Mom."

After that conversation of us, I decided to go home earlier than the usual time talaga ng pag-uwi ko. May magiging bisita. Siguro kasama nila yung anak nila na sini-ship sa akin noong mga bata pa kami nung anak nila. Ito namang isa, todo deny na hindi daw kami bagay. Ako naman, walang pakialam. Ayaw ko din naman sa kanya. Mapang-asar 'yon eh.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now