CHAPTER 34

23 5 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

"Class dismissed." Pagbanggit pa lang ng guro namin ito ay agad na nagmamadali ng maghanda para makauwi na ang mga kaklase ko. Ang iba ay parang walang narinig, mga lutang lang. Haha!

"Huy! Uwian na! Kakalabas lang ni Ma'am oh!" sigaw ko kay Zara na tulala pa din at kaunti na lang ay papasukin na ng langaw ang bibig niya! Anong ginagawa ng babaeng 'to?! Nakatunganga na naman ba siya kasi nag-iimagine na naman ng mga fake scenarios sa utak niya? Hayst!

Napaigtad ito at napalunok nang dahil sa gulat. "H-ha? Si Ma'am? B-bakit?"

Nautal pa nga!

Lutang pa! Aba naman talaga, oo!

"Okay ka lang, 'te? Kakaalis lang ni Ma'am kasi uwian na. Magpapaiwan ka dito? Sige, una kami," sunod-sunod na sabi ko rito.

"Teka lang naman! Grabe 'tong mga 'to! Sorry naman kung tulala na naman ako. Kasi, iniisip ko kung sino talaga ang may kasalanan sa novel mo, Nath. Nakakalito kasi eh!" aniya saba'y tumayo't nagpameywang.

"Kasalanan ko ba na malito-lito ka?" tanong ko rito.

"Malamang! Ikaw nagsulat no'n! Ako ba nagsulat? Taga basa lang naman ako ah."

Ah, talaga ba? Char!

"Hayst! Tara na nga! Alis na tayo! Nagugutom na ako, guys. Kanina pa kumakalam mga laman-loob ko," reklamo nitong si Willow na hawak-hawak ang tiyan habang hinihimas ito.

H-hinihimas? H-hala! Hoy, self! Umayos ka nga! Iba na naman nasa isip mo! Shuta ka talaga! Hahaha!

Stop being so delulu, Nathalie. Wala ka pang karapatan. Charot! Syempre, joke lang! Wala akong gusto, guys...

Pero kung si Mr. Author ng buhay ko?

KALDAGAN MO AKO, MY HUSBAAAAAND!

Ay, charot lang pala! Delulu na naman, hayst! Ang lala ko na talaga! Ayoko pa mabuntis, marami oa akong pangarap sa buhay ko...

Pero kung siya ang pangarap? I will do everything and whatever he say to be his legal and beautiful wife. Sayang ang gandang taglay namin kung hindi kay Mr. Author ako magpapatuhog—TUHOG?!

Ang lala mo na, Nathalie! Ikain mo na lang 'yan! Mas okay pa. Kaysa, delulu ka nang delulu d'yan 'di ba? Hindi nakakabusog ang pag-iimagine ng kung ano-ano...

Pero... kung siya?

Pwede pa akong mabusog... Mabubusog ng siyam na buwan—wah! Hahaha! Nababaliw na naman ako sa kanya, shut*ngina! Parang gusto ko ng talong... niya—na tortang kinakain kasi! Kung ano-ano kasing nasa isip ninyo eh.

Kaya siguro hindi kayo nagkaka-jowa, tama ako 'di ba?

Mali ba?

Okay, sabi ko nga behave na ako.

Hindi na talaga teen fiction itong love story ko, lason kasi utak ni author eh! Sino ba kasi sa dalawang tukmol ang para sa akin? Ang tagal mo kasing ipakita kung sino ang nararapat na pakasalan ko.

Ito yata ang namana ko sa author eh. Ang pagiging delulu, pagiging tamad mag-update kasi pati love story ko nadadamay niya, tapos yung laging nag-iimagine mag-isa, biglang tatawa o kaya malulungkot. Oh, 'di ba? Hahaha!

Kidding aside, ang ganda ni author Sleep. Nakita ko na siya sa personal, oo! Nakatakas kasi ako sa story na 'to—charot! Pero, what if? What if, magkasama pala kami sa totoong buhay?

Dami mong alam, Nathalie! Gutom lang 'yan!

Imagine pa more! Nababaliw ka na naman, self!

"Ano? Nathalie! Ikaw naman nakatanga ngayon! Ano na?! Shuta kayo! Gutom na ako!" Reklamo well, Willow.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now