CHAPTER 25

17 7 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Kanina pa nagtatalo itong mga katabi ko. Di nila alam na mas nauna pa akong nakaalam na kasama si crushiecakes  na author sa book signing event. Hahaha!

"Hoy! Nathalie!"

Napaigtad na lamang ako nang bigla akong tawagin ni Zara kaya masamang tingin ko itong nilingon. "Ano na naman ba 'yon? Ano? Isasali niyo ako sa sagutan ninyo? Gano'n?"

"Hindi, wala naman akong sinasabi ah."

"So, ano nga?"

"Alam mo na yung tungkol sa announcement na book signing? Tapos kasama si Kuya King?"

Magpapanggap ba akong hindi ko alam, o sasabihin ko yung totoo na nauna pa akong malaman iyon kaysa sa kanila? Hayst!

"Huh?"

Okay, self. Kunwari lutang ka.

"Hayst! Ewan ko sayo mare! Lutang ka na naman!" reklamo nito sabay upo sa katabi kong upuan.

Ilang sandali pa'y dumating na ang teacher namin para sa oras na 'to kaya sabay-sabay na nagtayuan kami ng mga kaklase para batiin ang teacher namin. Pagkatapos no'n ay umupo na din kami at nag-umpisa ng mag-discuss ang teacher namin.

Habang nagdi-discuss, napapatingin ako sa bintana na nasa tabi ko. Sa labas, natatanaw ang mga tsismosang nasa isang gilid na naman at naguusap-usap. Sigurado akong may bago na naman silang nakalap na mga bali-balita kaya nag-uumpukan sila.

Oo, natatanaw ko sila. Dito kasi sa school, katabi nito ang isa pang school na para sa mga bata. Ito ay para sa mga kindergarten pa lang. Mapuno ang harap ng school. Kaya may masisilungan ang mga magulang habang naghihintay ng kanilang mga anak.

Nasa kalagitnaan ng discussion nang biglang napahinto ang teacher namin kaya napalingon ako sa harapan. May estudyante itong kinausap nnasa labas ng classroom. Ilang sandali pa'y bumalik din ito sa harap.

Mukhang may mahalagang announcement ah.

"Ahm... class? May assembly meeting kaming mga subject teachers mamaya. Kaya dadalian na na'tin ang discussion para agad tayong matapos," anito.

"Eh, ma'am, may pasok pa bo ba mamayang hapon?" tanong ng isa kong kaklaseng lalake.

Alam kong gustong gusto nilang walang pasok para makapaglaro ng Monster Legends eh. O kaya naman, makipag-date sa mga jowa nila sa park. Marami akong nakikita kapag napapadaan ako, minsan sa tapat pa ng 24-Seven.

"Hindi pa ako sure, pero sa pagkakaalam ko, meron." Kitang kita sa mga mukha ng mga kaklase ko ang pagkadismaya nang dahil sa narinig nila mula sa guro namin.

Ako naman ay sakto lang ang nararamdaman. Nakakaburyong kasi sa bahay. Buti dito, libre akong makakapaglibot-libot. Wala naman kasi akong ibang ginawa sa bahay kun'di ang manood ng movies, kumain, magsulat, magbasa ng mga libro, at matulog. Paulit-ulit lang naman ang sirkulasyon ng buhay ko araw-araw.

Kaya mas gusto kong may pasok. Hindi boring. Makakapunta pa ako ng library any time na gusto ko pumunta doon.

Nag-discuss pa ng nag-discuss ang teacher namin hanggang sa tumunog na ang bell. Hudyat na oras na para sa assembly meeting nila. Wala na naman kaming subject teacher sa next class kasi pupunta din sa meeting. Maglalakwatsa na naman kami ne'to.

"Girls! Tara sa canteen!" aya ni Zara.

"Sa banyo ako, magpapaganda. Mukha na kasi akong tinapa sa sobrang haggard," tugon nitong si Willow.

Napairap naman itong si Zara. "Maganda ka na, sis. No need to retouch your invisible make-up." Siyempre, proud ang mga 'yan na magaganda talaga sila.

They really love themselves, to the point na minsan sobra na. Pero hinahayaan ko na lang. Mga kaibigan ko 'yang mga 'yan eh.

"Sama ako sa canteen," singit ko sa usapan. Medyo nagugutom din kasi ako. Need ko ng milktea pampatanggal ng antok. Grabe kasi yung discussion kanina. Nakakaantok! Grabe!

"Tara na! Hayaan na na'tin si Willow. Magpaganda pa daw 'yan eh. Sunod kana lang babaita ah?"

"Oo!" tugon naman nitong si Willow sabay labas ng classroom. Hinila na agad ako palabas ng classroom ni Zara para magpunta sa canteen.

Umariba na naman ba ang pagiging halimaw na may pagka patay-gutom nito? Para kasing mauubusan at halos masubsob na ako kakabila niya sa kamay ko.

"Zara—ouch! Aray—Zara! Kalma naman—aray ko! Mamaya baka masubsob ako eh!" reklamo ko rito pero hindi ako pinansin at parang walang narinig ang gaga.

Iaang dandali pa't nararing na namin agad ang canteen at nauna na siyang pumasok sa loob at iniwan akong hingal na hingal sa labas ng canteen. Bwisit talaga! Argh! Kung hindi ko lang kaibigan 'to baka sinapak ko na.

Makahila, akala mo mauubusan ng paninda sa canteen eh. Akala niya ba nakakatuwa 'yon? Tsk! Nakakapagod na nakakabwisit. Grabe ang araw ah, tirik na tirik na kahit na ang aga-aga pa.

Ako kaya?

Kailan kaya titirik ang mga mata ko habang nasa ilalim ng mga bisig ng isang lalakeng umiigting ang panga?

Char! Just kidding! Hahaha!

Sorry kung nangangarap na naman ako ng sobrang taas. Epekto ito ng pagiging adik ko sa mga stories na ang bungad ay bed scenes agad. Hayst! So bad!

I'm still young para magbasa no'n and I know na medyo fresh pa ang isang tulad ko para mahimok na magbasa ng may mgabed scenes. Pero hindi naman iyon ang gusto ko sa mga novels eh. Yung plot twists kasi, gaganda. Tsaka kung paano sinulat yung story.

Hindi lang naman erotic-romance stories ang mga binabasa ko. Nagbabasa din ako ng mga fantasy stories at marami pang stories na may iba't ibang genre.

Mamaya i-judge niyo pa ako. Paalala lang, walang masama sa pagiging open minded na kabataan. Ang mahalaga, nakalugar. Tsaka dapat ang target mo lang talaga ay matuto. Ang pangit kasi sa iba, because of curiosity, nagagawa nila ang mga bagay na dapat ay pang kaalman lang.

Kaya nag-iiba ang pinatutunguhan ng mga natutunan at natutuklasan nila eh. Ang kukulit kasi ng mga kuto ng lipunan na mga 'yon! Ang titigas ng ulo! Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang.

Tapos ano? Sasabihin na hindi sinadya? Or they'll use the words "obligasyon ng mga magulang na tulungan ang mga anak"?! Tapos ipapakita ng mga kabataan na iyon, na ano? Tama ang ginawa nilang kalokohan?

Alam ko na obligation nga ng parents iyon na tulungan ang mga anak. Pero TULONG lang dapat. Hindi yung kapag nagkamali ang isang kabataan, ipapasa sa mga magulang nila ang responsibilidad at obligasyon ng isang batang magulang.

Para sa akin? Bilang kabataan, alamin munang mabuti ang bawat desisyon na gagawin. Suriin ang mgavposibilida na mangyari bago gawin ang napagdesisyunan. Hindi yung, porque curious ka, susubukan mo na. Para mong ipinain ang sarili mo sa alam mong ikapapahamak mo.

Ako lang ito, si Nathalie. Kabataan din naman ako, mapagmatiyag lang ako sa paligid ko kaya updated ako sa lahat. Pati na sa mga pwedeng maging gawin para makatulong na mabawasan ang mga problema o mga sakit ng lipunang ito.

Iniisip ko na nga kung paano iligpit ang mga madadaldal na bibig nga mga kapitbahay naming magaling lang sa husgahan, wala namang karapatan.

Ni mga utang hindi nila mabayaran ng buo, pati nga mga anak nila ikinukumpara pa sa iba. Wala ba silang pakialam sa mga nararamdaman ng mga anak nila emotionally? Kasi kung meron, iisipin muna nila yung iisipin at mararamdaman ng mga anak nila bago nila gawin yung mga bagay na pwedeng makasakit sa mga damdamin ng mga anak nila. Hayst! Nakaka-stress naman maging mamamayan ng mundong 'to!

Gusto ko na lang maging talong, bwisit!

Talong? Hayst! Sa dinami-dami ba naman ng mga gulay, bakit talong pa, self? Hahaha! Sorry, baliw lang.

Basta 'yon! Napahaba tuloy nang dahil sa mga inis ko sa buhay. Ang dami kong mga hanash! Kainis!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now