CHAPTER 36

24 5 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

You know what, guys?

This is it!

Makikita ko na ang napakagwapong mukha ng iniidulo kong author sa buong universe—UNIVERSE?!

Pero, ito...

Excited ang Lola niyo! Oo! Pinaghandaan ko talaga 'tong araw na 'to. Nag make-up pa ako para lang dito. Syempre, hindi makapal. Baka magmukha akong nagpulbos ng harina sa sobrang puti sa foundation.

"Beh! Ang tagal mo naman! Ilang layer ba ng dress ang isinuot mo?" anitong si Zara na pumasok na sa kwarto ko para i-check ako.

"Parang t*nga, Zara? Dress? Shuta ka! Book signing tapos naka-dress? Seryoso ka ba? Hahaha!" singit ni Willow na biglang sumulpot dito sa kwarto ko. Ewan ko kung kanina pa nandito 'to. Hindi ko na napansin, since busy ako mag-ayos ng sarili ko.

"Eh? Naka-dress siya oh! Bobo mo. Anong tawag mo d'yan sa suot ni Nathalie? T-shirt?"

"Loka-loka kang babae ka! Bakit ka nag-dress?! Book signing 'yon! Hindi debut! Ayan! Pana'y kasi pagkain ang nasa isip! Hayst! Palitan mo 'yan!"

"Pwede naman 'to ah! Bagay naman sa'kin."

"Shunga! Ang haba ng dress mo! Kulang na lang ng belo, magmumukha ka ng ikakasal eh." Sapatusin ko kaya 'tong si Zara. Ang OA eh!

"Ayaw niyo 'yon? Para kapag nagkita kami ni idol, pari na lang ang kulang, para na kaming ikakasal! AAAAAACK!"

"Delulu pa! Siraulo 'to. Palitan mo 'yan!" Ayan, galit na ang pambansang online seller! Hahaha!

So, ayon, nagpalit nga ang Disney Princess ninyo ng maong at white na V-neck shirt. Mga kontrabida kasi itong mga kasama ko eh. Kaya, no choice ako. Haha!

Nang makapagpalit na ako, humarap ako sa dalawang gurang na 'to. Ayos naman daw ang porma at itsura ko.

Kaagad nga nila akong pinalabas sa kwarto dahil baka daw ma-late kami. Ito pa naman ang first book signing na pupuntahan ko. Malaking event din ito. Nandito din kasi ang mga kilala na sa larangan ng pagsusulat ng mga nobela.

"Anong sinakyan ninyo, guys? Lamborghini ba ninyo?" tanong ko sa dalawang 'to.

"Lamborghini mo mukha mo 'te! Wala na nga akong pambili ng pads ko sa condo eh."

"Siraulo ka, Zara. Kaka-withdraw mo lang ng ten thousand kahapon, hoy!" singit ni Willow.

"Haha! Nakita mo pala akong lumabas ng condo unit ko kahapon? Bakit 'di ka pumikit? Itinatago-tago ko pa naman na binigyan ako ng allowance eh."

"Baka nakalimutan mong magkasunod ang room na'tin. Sapakin kita nang makita mo."

Luh! Nagtatalo na naman sila! Anong oras na? Jusko!

"Ano? Mag-aaway na lang kayo d'yan? Hindi na tayo pupunta? Sige—"

"Sino may sabing hindi pupunta? Samplin kita, Nath. Punta tayoooooo!" Ah, talaga ba, Zara?

"Tara na! Kanina pa tayo dito. Let's gooooooo!" Isa ka pa, Willow! Pag-untugin ko kaya kayo. Pupunta din pala tapos nagtatalo pa kayo, hayst!

Sabay kaming tatlong bumaba ng hagdan at lumabas. Paglabas namin, mga kotse ang dala nitong dalawa! Shala! Ako lang magmo-motor? Fine! Kotse na nga lang din!

Agad akong pumasok sa garahe at sumakay sa kulay itim kong kotse. Ang daming kotse dito! Hayst! What if...

Ibenta ko na lang din—hindi, joke lang. Lagot ako no'n kay Mommy. Hahaha!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now