CHAPTER 24

18 7 0
                                    

∞∞∞

Willow's POV

---

After ng usapan namin kagabi nila Zara, natulog na agad ako. Kapagod ipagtanggol ang ship ko 'no! So, ayon na nga, as usual.

Magpapatimpla ng gatas, kakain ng breakfast, maliligo, magtu-toothbrush, magbibihis, at mag-aayos ng mga gamit.

Binilisan ko na ang galaw ko, baka ma-late ako. Hindi ako sanay na ma-late. Too early is better than to be late.

***

Nang matapos na ako sa lahat-lahat, lumabas na ako ng bahay at pinaandar na ang kotse kong kulay asul. Bago lang 'to sa pagkakaalam ko. Binilhan ako ni Daddy. Medyo kuripot si Mommy eh. Yung isang kotse ko, nasa garahe. Kapag nagliliwaliw ako, saka ko lang iyon ginagamit.

Dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho kasi gusto ko ma-feel ang biyahe papuntang school ngayon. Nasa mood ako eh. Ayokong masira ng punyetang traffic ang napakaganda kong mood.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa passenger seat lang. Kasabay ng pagtunog nito ang paglitaw ng pangalan ni Zara sa screeb ng phone ko.

Ano na naman bang problema nito at napaaga ng tawag?

"Ano?" bungad ko rito.

["Gagi! Waaaaaaaah!"]

Ano bang problema nito at may patili-tili pa na nalalaman?

"Anoooo?! Ang aga-aga tumatawag ka. Mamaya na lang kasi pagdating ko sa campus."

["Gagi! Need mo itong makita, bruha! Kyaaaaaaah!"]

"Ano nga 'yoooon?! Kanina ka pa eh. Hindi mo naman sinasabi. Parang tanga."

["May book signing yung pinsan ni Nathalieeeee! Waaaaah! Ang gwapo niya talaga!"]

Eh? Baliw talaga 'to!

"Then? Sa pagkakaalam ko kasi, ikaw lang ang may crush sa kanya. Tsaka, hindi ko pa nababasa mga gawa niya. Kaya hahayaan muna kitang mag-celebrate d'yan—"

["Kasama si... @Acads_King?"]

Wait,... tama ba yung narinig ko? Acads_King?

"Weh? Totoo?! Patingin nga! Send mo sa akin ang pictures. Dali!"

["Wait, nasaan ka na ba?"]

"On the way puntang school. Ikaw ba?"

["Shuta ka! Unahin mo muna 'yang pagmamaneho mo! Mamaya mabundol ka pa, magiging kasalanan ko pa. Tsk! Mamaya na!"]

"Ang damot mo naman!"

["Mamaya na nga kasi. Hayst!"]

"Sige, sige. Basta send mo sa akin ah."

["Oo! Para naman kasing hindi ipakita eh."]

"Promise mo 'yan ah!"

["Oo nga! Parang tanga 'to."]

"Good!"

May ilan pa kaming pinag-usapan pero tungkol lang naman lahat sa mga sagot sa quiz kahapon sa Statistics and Probability. After that, she ended the call. May 7 minutes naman kaming nag-usap. Hahaha!

Medyo binilisan ko na ang pagmamaneho ko kasi kailangan ko ma-confirm yung sinasabi ni Zara. Nakakatamad mag-open ng Facebook. Buti siya, agad tsismis ang bungad. Masyadong active sa social media eh. Ako, saka lang ako active kaoag nagla-live ako para sa mga gusto kong ipa-sold out na gamit ko sa mga buyers ko na suki.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now