CHAPTER 31

26 5 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

*.....After a week.....*

Sa wakas at nakalabas na din ako ng ospital. Sigurado akong tambak na naman ag mga activities at assignments na gagawin ko niyan. Medyo masasakit pa ang mga kasukasuan ko. Baka bukas na lang ako papasok.

"Sir, may naghahanap po sa inyo," biglang singit ng isang kasambahay namin.

"Sino 'yan?" tanong ko rito.

"Hi, ako si—"

"Idol?! Axel Mirandova, right?"

"Yes, yes. How did you know my name?"

"I'm one of your fan, your silent reader. I have a lot of your books here. Do you wanna see or check on it—"

"Nah, hindi iyon ang pinunta ko rito."

"Huh? So, ano po ba ang pinunta niyo rito?"

"Ikaw."

Ano daw? Ako?

"Huh? Bakit ako, idol? Anong meron sa akin at napasadya ka dito? Tsaka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Nakapagtataka lang na biglang napadpad ito rito sa bay ng Lola at Lolo namin. Ni hindi ko naman ipinagkalat ang address namin. Kami lang ni Ate ang nakakaalam.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa buong kabahayan. "Dito ba nakatira si Mr. and Ms. Florencia?"

Bakit niya kilala ang Lolo at Lola ko?

"Bakit? Kaano-ano ka ba namin? Stalker ka ba? Paano mo nalaman ang pangalan ag apelyido ng Lolo't Lola ko?"

Hinarap ako nito. "May mga bagay kang hindi pa alam, JULIAN KYRUZ FLORENCIA VALEROSO. Dalawa lang ang pwedeng dahilan. It's either kumukuha ng tamag tiempo ang mga MAGULANG at LOLO'T LOLA mo para sabihin sayo ang mga bagay na itinago nila ng labing siyam na taon sayo, o baka naman wala talaga silang balak na sabihin sa iyo," ani 'to saka ngumisi.

"Tsaka, magkamukha tayo. Maraming nakaapansin no'n. Hindi ko naman maikakaila na hindi kasi,..." dugtong nito pero hindi nanadugtungan pa ang kanyang sinasabi. Hinintay ko ag kasunod pero malalim na buntong hininga na lamang ang aking narinig na katuloy.

"Kasi? What? What do you mean? Na magkapatid tayo?... Kambal?"

"Nevermind, don't mind it. Kalimutan mo na lang lahat ng mga sinabi ko. Masaya ako na nasa mabuti ka ng kalagayan. Magpagaling ka para makapasok ka na soon. Alam kong natambakan ka because of what happened. That's all, mauna na ako. Bye," ani 'to at tuluyan ng umalis.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya nagpunta dito at, kilala pa niya talaga ang Lolo't Lola ko ah. May mga sinabi din siya na nakakapagbigay ng iisipin ngayong nagpapagaling pa lang ako.

Teka... Ano nga ulit yung sinabi niya na di niya natuloy? Yung tungkol sa pagkakahawig namin, yung itsura naming ALMOST pareho...

Hindi kaya...

Hindi kaya nawawala ko siyang kakambal?

O kapatid na kahawig lang?

O baka naman nagkataon lang na magkamukha kami?

Marami kasing hindi naman magkaano-ano o hindi magkailala pero hawig o magkapareho talaga ng itsura. Kaya nakakadagdag sa iisipin ko.

Thank you, idol! Nadagdagan yung stress ko. Ang saya naman ng first meet na'tin sa personal! Binigyan mo ako ng palaisipang mga katanungan at nadagdagan mo problema ko sa buhay, haha!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now