CHAPTER 33

21 5 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Nasa canteen na ako ngayon, kakatapos lang ng klase namin sa teacher naming panot eh.

"Juls! Saa punta mo ngayon? May pupuntahan ka ba?" tanong sa akin nitong si Charlie kaya napalingon ako sa kanya na nasa tabi ko lang naman.

"Sa room nila Nathalie, bakit?"

"Nathalie? Sino 'yon?" tanong nanamn nitong si Wesley habang makalat na kumakain ng spaghetti.

Parang bata ang bugok na 'to kumain, hayst!

"Liligawan ko," sagot ko rito.

Napahinto ng pagkain si Wesley, nanlaki naman ang mga mata nitong si Charlie. Mga baliw talaga!

"What?!/Ano?!" Napasigaw ang mga kasama ko. Gulat na gulat yata. Mga OA ah. Sabay pa talaga sila!

"May nililigawan ka?" sunod na tanong nitong si Wesley.

"Liligawan ko pa lang," sagot ko rito.

"Ay, 'di pa pumayag? Bakit daw? Mukha ka daw ba kasing bakulaw? Hahahahaha!"

"Siraulo ka talaga, Wesley. Ikaw nga, kaya walang sumeseryoso sayo kasi mukha kang paa. Hahaha! Hahahahaha! Hahahahaha! Shutek!" Tama, tama, Charles. Ipagtanggol mo ako sa tubol na 'to. Hahaha!

"... Hahahahaha! Siraulo ka, Charles. Baka mamaya, umiyak pa 'yan dito. Hahahahaha!"

"Baby ba siya? Amoy matanda na nga eh—"

"Isa na lang, Charles. Lilipad na itong sapatos ko sayo, makikita mo." Aruy! Naiinis na ang Wesley na 'yan? Mapang-asar pero, laging talo. Hahaha!

"Ito na, titigil na. Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. Bakit galit ka? Hahaha!"

"Hindi ka hihinto? T*ngina mo ah!"

"Oh, kalmahan ninyo. Canteen ito, hindi boxing ring, ano? Dito pa kayo gagawa ng iskandalo ninyo ah. Tama na, kumain na nga tayo! Kanina pa ako nagugutom. Kung yaw ninyo, mga kamao ko kainin ninyo, mga lintik kayo. Ano? Mamili kayo." Parang mga bata itong mga kasama ko, hayst!

"Tara! Kain na tayo. Sorry, p're! Pangit mo pa din mang-asar, haha! Mas pogi pa din ako lalo na kapag naiinis." Ibang klaseng kahanginan talaga ang dumadaloy sa dugo mo, Wesley. Ang kapal pa ng mukha mo, hayts!

"Ewan ko sayo! Dami mong sinasabi, kasinungalingan naman lahat, tsk!" Aruy! Isang katotohanan na naman, Wesley! Natumbok mo, Charles! Hahaha!

"Pinagtutulungan niyo ba ako?"

"Hindi mo ba nafe-feel?"

"Aray ah, parang hindi kaibigan ah. Others na ba ko sa paningin ninyo? Nakakalungkot ah, iiyak ako dito. Huhuhu," anito at umaktong umiiyak. Isip-bata ang hutek!

Pumila na kami para bumili ng makakain dito sa canteen. Gusto ko na lang lumipad kasi nakakahiya itong dalawang kaibigan kong mga baliw. Tsk! Mga siraulo talaga!

Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng mga bibilhing makakain nang biglang may iniabot sa akin na malapad na sobre. Nasa dulo ako ng pila kaya hindi na ito napansin ng mga kaibigan kong kanina pa nagtatalo kung anong masasarap na makakain sa canteen.

"May nagpapabigay po niyan sa inyo, Kuya. Salamat po! Una na po ko," anito sabay takbo paalis.

Napatitig ako sa kulay brown na sobreng hawak, hawak ko. Wala akong ideya kung ano ang laman ng sobreng ito kaya agad ko ng binuksan nang makita kung ano nga ba itong ipinabibigay daw sa akin ng kung sino man.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora