CHAPTER 13

16 7 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

"Ang aga namang libro 'yan. Di ka pa tapos d'yan, Julian?" bungad na tanong nitong si Charlie pagpasok niya ng classroom.

"P're! May nalaman ako." Napalingon kami kay Wesley na kararating lang.

"Ano?" tanong ko rito.

"Kilala niyo yung Perish 'di ba? Hindi ba't author din 'yon? Sikat siya 'di ba? Tapos, narinig ko na dito daw nag-aaral yung pinsan niya yata 'yon. Basta, narinig ko lang. Babae daw eh. Di ko pa alam kung anong pangalan niya pero babae daw siya," paliwanag nito.

Pinsan? May pinsan si idol na dito nag-aaral?

"Alam ba nung pinsan niya na sikat yung si Kuya Perish dito bilang author?" tanong ko ulit.

Napakamot ito sa batok. "Hindi eh. Pero may possibility na reader din siya ng mismong pinsan niya. At malaki ang possibility na magkita kami para naman bago, bago ang mai-date ko hindi puro mga lumang pagmumukha ng mga babae." Kahit kailan talaga ang playboy na'to. Hindi ba siya nagsasawa sa mga babae?

Napailing na lamang ako sa mga isinaad nitong kaibigan namin. Walang kakwenta-kwenta kung magbalita. Kulang-kulang pa, tsk!

"Wait!" Napatingin kami ni Wesley dito sa gawi ni Charlie nang bigla itong magsalita.

"Ano?/Bakit?" sabay naming tanong dito kay Charlie na nakatingin pa din dito sa phone niya.

"Ayon sa Perisher's Fam na group page ni Kuya Perish, kumakalat ang baitang si Inkygirl at si Kuya Perish ay... magpinsan?" aniya.

"Huh?" kunot-noo kong tanong dito.

Ibinaba niya ang phone niya saka ako hinarap.

"Si Kuya at yung crush mong author ay magpinsan at kalat iyan ngayon. Then, may kumakalat pa yatang pictures ni Inkygirl at ng dalawang readers niya sa Facebook eh," paliwanag pa niya.

"It means, madali na lang na mahahanap ni Juls ang idol niyang author. Baka mapaaga din na magkaroon itong kaibigan na'tin ng lovelife. Hay... napapa-sana lahat na lang talaga ako. Congrats in advance, tol!"

"G*go, Charlie. Anong lovelife ang pinasasasabi mo? Porque ba crush, jojowain agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lag siyang makita kasi idol ko siya?" reklamo ko rito.

"Bro, sigurado akong single pa 'yon. Ayaw mo 'yon? Libre ka na palagi ng mga libro niya—aray ko!" Isang kutos ang ibinigay ko kay Wesley.

"G*go mo! Hindi ko gagawin 'yon. Ulol!" sigaw ko rito.

"Tsk! Madali lang makuha ang mga girls sa panahon ngayon, bro. Kaya kung ako sayo, just enjoy your life with girls,"

"King*namo, Wesley. Lumayas ka nga sa harapan me ko baka mabigwasan kita. Nandadamay ka na naman eh," pantataboy ko rito.

Nakangisi itong pumunta ng harapan at doon umupo. Nasa likuran kasi ang tunay na upuan namin. Baka kung anong magawa ko sa kanya kapag nanatili siya sa harapan ko. Baka makalimutan kong kaibigan ko siya. Napakagago kasi ng t*nginang 'to.

Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin for our first subject this morning. May dala si Sir Torres na isang laptop at isang tarpaulin. May projector din itong dala.

Tinulungan siya ng mga kaklase ko na magset-up ng gagamitin para sa presentation niya para ngayon. Masisipag naman itong mga kaklase ko. Kaya sila na lang, alam naman nilang di ako tutulong at tinatamad ako. Makikinig na lang ako sa discussion.

***

Nathalie's POV

---

Nasaan na ba yung dalawa? Magsisimula na yung klase, pana'y kasi sila kain. Ayan tuloy, baka male-late pa sila niyan nang dahil sa katakawan nila. Nakabantay na naman kasi sa cafeteria. Tambay pa! Mga bruha talaga, hayst!

Shuta itong mga 'to. Tawagan ko na nga si Zara! Hayst! Buti hindi ako sumama.

*kriiiiing!... kriiiiing!... kriiiiing!*

"Hoy, bruha! Nasaan na ba kayo?"

["Teka! Malapit na kami. Ito na, ito na! Sheeeeet!"] sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Daliiiiiiii! Ang tagal niyo! Isang dambuhalang burger at milyong fries ba ang kinain ninyo kaya ganyan kayo katagal?"

["Nandito na kami, pakipatay na."]

Nakarinig ako ng mga yapak ng apat na paparating na estudyante mula sa di kalayuan. Unang nakapasok sa room si Zara, kasunod nito si Willow.

"Gaga, wala pa pala. Put... (hingal)... putcha ka! Hooo! Nakakapagod tumakbo tapos... tapos madadat..(hingal)... madadatnan namin na wala pa si Ma'am. Buset ka talaga, " reklamo agad ni Zara pagkaupo niya sa kanang tabi ko.

"Nand'yan na si Ma'am...~" sigaw ng kaklase naming gay kaya napatingin agad kami sa may pinto kung may papasok bang guro.

Pero mga bwisit talaga sila.

Siya yung pumasok habang kumukembot ang p'wet! Ma'am daw tapos sasabihing, "It's a prank!" Parang nakikipaglokohan naman kasi kami. Kaya naiinis yung iba at hindi na naniniwala kahit na minsan totoo 'yon.

What I mean is kahit na totoo minsan na nand'yan na si Ma'am o kung sinong teacher, hindi naniniwala yung ibang mga kaklase ko. Ako, alam ko naman kung nand'yan na ba talaga yung teacher. Since, malapit ang upuan ko sa bintana ay kitang kita ko kung sino ang paparating at sino ang papaalis.

"G*go ka, Pilar!" sigaw ng isa kong kaklaseng lalake kasi na-home niya yung Mobile Legends niya kasi akala niya may teacher na.

"Pilar" ang itinatawag sa kanya kasi epilyido niya 'yon. Madalas nilang asarin na kamukha siya ni Marcelo Del Pilar. Kaya madalas siyang bad trip. Hahaha!

Natatawang lumabas si Terrence pero pagbalik niya, muntikan siyang madapa kasi saktong lalabas siya nang makita niya yung teacher namin. Kaya dali-dali siyang pumasok ulit. Terror pa naman yung teacher namin na 'yon.

"What are you doing, Mr. Pilar? You're almost fall to the floor! Be careful next time. Jusmiyo kang bata ka." napahinto ang teacher namin nang makita ang muntikang pagkasubsob ni Terrence Pilar nang dahil sa pagmamadali nitong makapasok.

Ang mga kaklase ko sa harapan ay nagtawanan.

Napayuko na lamang si Terrence nang dahil sa hiyang naramdaman.

Ako?

Wala... akong... pakialam.

Tahimik lang kasi ako dito sa classroom. Saka lang ako maingay kapag gusto ko. Depende sa mood, gano'n. Hindi naman kasi ako yung klase ng tao na palatawa, hindi din naman ako yung tipo ng tao na palasimangot. Ngumingiti rin naman ako.

*...Ilang minuto pa ang nakalipas...*

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang biglang magsalita ang katabi ko at ito'y bumulong.

"Nagugutom na naman ako. Tara, mag-excuse tayo na iihi para makapunta ako ng canteen. Please?"

Jusko, Zara! Malapit na ang recess!

"Ayoko nga!" sabay naming sagot ni Willow sa kanya.

"Malapit na nga ang recess, hindi ka pa makapaghintay," dugtong ko pa.

"Eh sa nagugutom na nga ako. Sige na ah. Ililibre ko na lang kayo,"

"Hindi ako gutom," agad na tugon ko.

"Ako rin," tugon din ni Willow.

Kaya wala siyang nagawa kun'di ang ilabas ang tinatago niya palang pagkain na nasa bag niya. Isang supot ng marshmallows na kulay pink.

"May pagkain naman pala siya. Bakit kailangan niya pang lumabas para lang makabili?" nagtatakang sabi nitong katabi ko habang pinapanood si Zara na dahan dahang nagbubukas ng makakain sa loob ng bag niya.

Buti na lang wala kaming mga katabi at nasa bandang likuran talaga kami. Hindi rin kami gaanong napapansin ng teacher kaya tuloy ang kasiyahan sa likod.

Ay... kasiyahan lang pala nung dalawang katabi ko. Lumalaklak na kasi sila habang nasa klase pa. Hindi na nila mahintay ang break time. At akala ko ay hindi pa gutom itong si Willow. He'to siya ngayon, kasamang lumalamutak ni Zara. Hayst... mga kaibigan ko nga namang aakalain mong hindi kumakain minuminuto.

Mga mukhang pagkain talaga.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHWhere stories live. Discover now