CHAPTER 35

27 5 0
                                    

∞∞∞

Julian's POV

---

Pumunta ako sa rooftop nang mag-isa. Yung dalawang tukmol? Pinauna ko na sila. Haharapin ko kung sino ang nagpadala ng envelope na hawak ko ngayon.

Palubog na ang araw, hingal na hingal akong nakarating sa rooftop ng main building namin dito sa school. Nadatnan ko ang isang lalakeng may katangkaran, nakapamulsa ito at pansin kong nagmamasid-masid siya sa ibaba ng building na kinatatayuan namin ngayon.

"Kilala mo na ako sa pagkakaalam ko," bungad na sabi nito habang nakatalikod pa din.

"Sino ka ba?" tanong ko rito. Kasi, t*ngina! Nakakapagod umakyat dito tapos pagtitripan niya lang pala ako. Haha!

"Nagkita na tayo sa bahay nila Nathalie noon. Hindi mo ba talaga maalala?"

"Magtanong ba ako kung alam ko—" Napahinto ako nang humarap ito sa kinatatayuan ko.

"A-Acads King? I-ikaw ba 'yan?"

"Yes! Ako lang 'to, yung nagpadala ng result ng DNA na'tin sayo. Nice to meed you,... my younger brother."

"H-hindi... Hindi pwede 'to. 'Di ba ikaw yung ikakasal kay Nathalie?"

"Ako nga, pero... Inaayos na namin para hindi matuloy—"

"Dapat lang na hindi! Kasi, akin lang si Nathalie! Hindi siya pwedenv ikasal sayo, kahit na kapatid pa kita, wala akong pakialam!" T*ngina naman oh! Hindi lang pala idol ko ang kaagaw ko, kapatid ko pa! May kasunod pa ba 'to? Haha wala akong laban eh. Ito lang naman ako...

Reader niya, simple lang, iisa lang ag hangad ko...

Ang mapasaakin ang babaeng pinapangarap ko, ang babaeng unang ginusto ko, ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko, ang unnag babaeng minamahal ko...

Walang iba kun'di si Nathalie. Siya lang!

"Lalayo na lang ako, kung gusto mo. Ayaw kong makipagtalo sa nakababatang kapatid ko—"

"Pwede ba?! Ihinto mo nga iyang kakatawag mo sa akin ng kapatid! Hindi ko nga alam kung paano kita naging kapatid eh! Isa pa, kaagaw kita sa puso ng mahal ko, kaya mas mabuting layuan mo na lang ako. Baka kung anong masabi't magawa ko sayo. Tsk!"

"Wala kang kaagaw, Julian! Wala akong balak at hindi ko ginusto ang nangyayari sa amin ni Nathalie ngayon! Kagustuhan iyon ng mga magulang namin, at sobrang pabor doon ang mga magulang ni Nathalie! Julian, isipin mo naman ang nararamdaman ng Kuya mo. Naiipit ako sa sitwasyon namin! Nakakaput*ngina!"

"Eh 'di umayaw ka! Kung gugustuhin mo naman talaga, may paraan eh. Ang sabihin mo, gusto mo talaga yung kasunduan ng mga itinuturing mong magulang at ng mga magulamg ni Nathalie! Tama ako, 'di ba? Hindi ba?!"

"Hindi ko alam, Julian! Hindi ko din hawak ng desisyon nila! Tsaka, kung mahal mo talaga si Nathalie, hindi ba't pati ikaw ay gagalaw? Ipaglalaban mo yung nararamdaman mo para sa kanya. Bunso, makinig ka sa akin. Bilang nakatatanda mong kapatid, mas gugustuhin kong makita kang masaya kaysa—"

"Kaysa ano? Makita akong malungkot nang dahil sa put*nginang kasunduan na 'yan?! Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Nathalie?"

Nanatili itong tahimik at buntong hininga lang ang isinagot. T*ngina naman! Pinapunta lang ba ako nito dito para ipamukha na wlaa talaga akong pag-asa?! Haha! Dahilan lang ba niya yung t*nginang DNA result?! Haha! Kung gano'n... p'wes! Hindi nakakatuwa!

"Ano na?! May gusto ka ba sa kana kaya hindi ka makatanggi?! Sumagot ka naman—"

"Hindi ko siya gusto! Pero... matagal ko na siyang hinahangaan. Bata pa kami noon, lagi ko na siyang palihim na pinoprotektahan, binabantayan, at sobra akong nag-aal sa kanya lo na kapag may mga gustong umapi sa kanya. Kaya hindi mo ako masisisi na baka may posibilidad na... magkagusto ako sa kanya."

"Huwag mo ng ituloy... pakiusap. Ayoko ng makarinig ng mga kwento mo. Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo eh."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil kanina pa ako ginigigil nitong lalakeng 'to! Wala akong paki skung ano g relasyon naming dalawa. Ang mabuti pa nitang gawin ay layuan ang mahal ko. Iyon lang!

I pushed his shoulders. "Nananadya ka ba? Kasi kung oo? T*ngina! Mas mabuti pang lumayo ka na lang! Hindi ako magpapadaig sayo!"

Ngumisi nalamg ito nang nakakaloko. " Good! That's my man! That's my brother! Ayos 'yan! Ipaglaban mo kung anong nararapat na para sayo. Ipaglaban mo kung ano kayo dapat ni Nathalie. Wala akong kasalanan, naiipit lang din ako, kahit na umayaw ako, sila ang may hawak ng desisyon."

"Kuya, tulungan mo naman ako oh." Hayst! Gagawin ang lahat para kay Nathalie, tama. Tama! Kahit magmakaawa pa ako, gagawin ko.

Ngumiti ito. "Pakiulit nga! Ang sarap pala sa pakiramdam na may tumatawag sa akin bilang isang Kuya. Haha! Salamat, bunso ah!" aniya sabay yakap sa akin. "Tutulungan kita. Magtutulungan tayo para hindi matuloy ang plano nila," dugtong pa niya.

Grabe! Sa wakas! May kakampi na rin ako laban kay Ate Jade! Ang sungit kasi ng babaeng 'yon. Kapag nakikipagtalo sa akin, may kasama parng suntok. Bwisit talaga!

Ngayon, may Kuya na ako. Haha! Hindi mo na ako masasaktan, Ate Jade! Gagawin kong panangga si Kuya Axel. Hahaha!

Ang sama ko. Joke lang pala. Baka magalit ito at hindi ako tulungan kay Nathalie. Hayst!

***

Bumaba na kaming pareho mula sa rooftop. Hindi naman kami mahirap na nagkasundo. Marami kaming pagkakapareho. Sa ugali, sa ibang mga hilig na gawin, at pagdating sa mga paborito na pagkain ay karamihang parehas kami.

"Close na close ba kayo ni Nathalie, Kuya?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad papuntang parking lot.

"Haha! Sobrang close! To the point na lagi siyang galit sa akin. Gano'n kami ka-close, bunso," sagot niya sabay mahinang natawa.

"Kayo ba? Kailan kayo naging close ni Nathalie?" tanong niya naman sa akin.

"May ilang buwan na din, Kuya. Simula noong nag-confess ako sa kanya, naging mas close na kami. Reader niya din kasi ako. Hindi ko alam noong una na siya yung hinahangaan kong author ng librong binabasa ko that time. Hanggang sa ayon, nalaman ko na si Inkiegirl at si Nathalie ay iisa. Gagi, Kuya! Unang tingin ko pa lang sa kanya, parang may something na eh. Ang ganda niya! Sobrang ganda niya sa paningin ko. Tapos, hindi ko na makalimutan yung mukha niya. Kahit sa pagtulog ko, mukha niya ang naaalaa ko. Minsan, hindi na ako makatulog. Lalo na kapag iniisip ko na, what if, hindi niya ako payagang manligaw sa kanya? Kaya, Kuya, kung okay lang, tulungan mo ako kay Nathalie ah. Kay Ate Jade kasi, wala akong maaasahan doon. Pana'y katarayan ang inaatupag no'n."

"A-ate Jade?"

"Oo, Kuya. Hindi lang ako ang kapatid mo. Nand'yan pa si Ate Jade na sobrang hindi ko kasundo."

"Kuya, paano mo nalaman na posibleng mahkapatid tayo noong una?"

Bumuntong hininga ito. "Noong naaksidente ka, parehas tayo ng blood type. Tapos, may pagkahawig tayo. Yung epilyido mo din ay kilala ko. Kaya, agad na gumawa ko ng paraan para malaman kung kapatid nga ba talaga kita o sadyang coincidence lang ang lahat. Iyon yung DNA result na ibinigay ko sayo. Sinabi din ni Lola sa mga nag-aruga sa akin noon, may posibolidad na buntis daw ang tunay na Ina ko, iyon ang kinikilala ninyong ina, na Nanay ko din pala. Marami pa akong gustong itanong sa tunay kong Ina. Pero, wala pa akong lakas ng loob na harapin siya. Galit ako sa ginawa nila sa akin nila Mommy. Mas gugustuhin kong lumayo na lang muna. Kaysa malama nilana nandito na ang inabandona nilag panganay," paliwanag niya.

Kitag kita ko sa mga mata niya ang galit at hinahnalit niya sa Nanay at Tatay namin. Hindi ko siya masisisi, lalo na't nalaman ko na dati pala siyang inabandona ng mga magulang namin.

"Pagkatapos kitang tulungan kay Nathalie, aalis na muna ako. Doon muna ako sa mga itinuturing kong pangalawang pamilya. Wala kang sasabihin na kahit na ano sa mga magulang na'tin. Maliwanag ba?"

"Oo, Kuya. Naiinitindihan ko. Pero, paano si Ate Jade? Gusto mo ba siyang makita?"

"Oo, pero saka na lang siguro. Babalik pa naman ako eh. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Pero, I promise, babalik ako bunso. Babalikan ko kayo ng Ate Jade mo para makasama ko kayo," tugon niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Yumakap na rin ako. Sobrang saya ko talaga ngayon dahil sa wakas! May Kuya na rin akong tagapagtanggol sa Ate kong bungangera. May dadamay at iintindi na din sa akin, sa wakas!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHOù les histoires vivent. Découvrez maintenant