CHAPTER 37

23 6 0
                                    

∞∞∞

Charlie's POV

---

Nauna na ako dito sa venue ng book signing event. Ang tagal kasi ni Julian! Parang babaeng gumagalaw! Parang walang itlog ang hayop!

Ilang sandali pa'y natanaw ko na rin siya sa 'di kalayuan. Napakabagal kasi!

Ipinarke niya muna ang kanyang sasakyan, saka ito bumaba ng kotse ng punong puno ng confidence. Ang gara ng kaibigan ko! Nakaputi lang na polo pero para akong nababading sa kanya, t*ngina! Ang lakas ng appeal!

Hindi, ayoko bumaliko. Straight ako, haha! Straight!

Sayang ang kapogiang lahi namin kung magiging bading ako. Gusto ko pa magkaroon ng triplets na makukulit! Tapos, asawa na sobrang sexy, maalaga, mapagmahal, at higit sa lahat, mabait. Kaso...

Nasa libro lang silang lahat.

Pakasalan ko na lang kaya yung libro. Walang babaeng gano'n. Lahat sila may lahing kasungitan. Tapos selosa pa ang karamihan, may mga maiingay pa nga eh. Ang aga-aga, putak nang putak. Gusto ko yung kahit na galit na, kalmado pa rin. Kailan kaya ako magkakaroon ng gano'n na girlfriend? Hayst.

"Huy!"

"Ay, sexy na asawa—huy! Ano ba?!" Sino ba 'tong gag*ng 'to na nanggugulat?! Tsk!

Paglingon ko, pagmumukha ng tukmol na Wesley ang nasilyan ko. P*ta! Bakit nandito 'to?! Anong ginagawa nitong babaerong 'to dito?!

Nasa likuran naman niya si Julian na ang astig talaga ng datingan. Napakaangaaaaas~

Yung ang ganda, ganda na ng imagination mo, pero naputol lang nang dahil sa panggugulat ng tukmol mong babaerong kaibigan. Argh! Nakakabwisit talaga!

"Anong ginagawa niyan dito, Juls? Bakit nandito 'to? Ano? Nagsawa na ba manghalik ng babae—"

"Sige, ituloy mo, Charlie! Kapag itinuloy mo 'yan? Babangasan kita dito. Sige!"

Luh! Siya na nga ang bagong mukha dito, siya pa ang walang hiya. Ang kapal talaga ng mukha ng kaibigan kong 'to. Ako pa ang susuntukin, nagtatanong lang naman ako!

"Problema mo? Lumayas ka na nga dito! Huling pagkakaalam ko kasi, nakakaboring ang mga ganitong event sayo. Hindi ba?" Totoo naman kasi yung sinasabi ko. Tsk! Bakit ba nagagalit siya? Sa kanya na mismo nagmula na boring ang book signing events para sa kanya.

Kaya lubos akong nagtataka at napasama itong kutong ito dito. Anong gagawin niya dito? Baka magdadala pa ng alak sa loob at doon maglasing, hayst!

"Bakit? Sayo ba itong arena na 'to para ipagtabuyan ako—"

"Pumunta siya dito para makita si Zara, hindi para makapagpapirma ng libro. Kaya tumigil na kayo," singit ni Julian kaya naputol ang sinasabi ni Wesley.

"Teka... Familiar! Iyon ba yung kaibigan ni Nathalie?" tanong ko rito kay Julian na tinanguan na lamang niya bilang tugon.

Napangisi na lamang ako.

"Type mo siya, Wesley? Seryoso ka? Hahaha!" Patuloy lang ako sa pagtawa. Nagtitinginan na din ang ibang tao pero wala akong pakialam! Sino ba naman ang hindi matatawa kung nalaman mo na may crush pala ang kaibigan mong lasinggero sa isang matino at may katarayang babae? Hahaha! Grabe talaga si kupido! Halatang naduling! Hahaha!

"Ihinto mo kakatawa mo! Ngayon lang ako hahanga ng totoo sa babae, kaya manahimik ka! Baka mapurnada yung mga moves ko mamaya kasi kasama ka namin! May balat kasi p'wet mo!"

"Ang kapal naman ng mukha ne'to! Ikaw nga biglang sumusulpot dito na hindi naman talaga magpapapirma ng libro, kun'di babae pa din ang dahilan! Huwag mo akong awayin, bagong mukha ka lang dito. Tsaka dito, hindi ikaw ang tinitilian at pinipilahan ng mga babaeng readers. May mas pogi pa at mas cool kaysa sayo. Hahaha!"

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHحيث تعيش القصص. اكتشف الآن