SQ28: All against One

5 0 0
                                    

Pagkahupa ng nararamdaman niyang galit at sakit ay nahiga muli si Bruce sa hospital bed, nakatingin lang siya sa kisame ng silid bago may kumatok sa pinto.

"Sino nanaman yan?!" Galit niyang sigaw nang marinig ang katok, bumukas ito at iniluwa noon si Maureen, ang Student Council President ng eskwelahan nila na siyang nobya niya din.

"Why so mad baby, aren't you happy to see me?" Tila malungkot na tanong ng dalaga na nakapag-patigil kay Bruce, kinalma niya ang sarli sa paghinga ng malalim bago siya napalunok.

"No, of course not babe, it's just. My grandparents are here a while ago" malumanay niyang sagot, nakita ni Maureen ang nakakalat na unan sa sahig kaya kinuha niya ito at inilagay sa sofa malapit sa kama bago inilapag ang basket ng prutas sa side table sa tabi ng kama.

Naupo ang dalaga sa espasyo sa gilid ni Bruce bago nito hinawi ang buhok niya. Napailag pa siya nang di sinasadyang nasagi ni Maureen ang pasa niya sa mukha.

"Nakipag-away ka nanaman, you're all over the news, Bruce. Tumatakbong mayor iyong naka-away mo" mahinahong sambit ng kanyang nobya sa kanya.

"Babe sesermonan mo din ba ako? Pwede huwag ngayon?" Naging tugon lamang ng binata, napahingang malalim nalang si Maureen bago umiling.

"Of course not, sabi mo nga galing dito ang lolo at lola mo. I'm sure napagalitan ka kaya ang init ng ulo mo. Don't worry I won't make sermon to you" sagot nito na bahagyang kinangiti ni Bruce, hinawakan niya ito sa kamay na nakapatong sa kama atsaka tinitigan sa mata.

"Thank you, babe. You always the only one who understand me" sabi ni Bruce na ikinangiti lang ng dalaga. Kumuha ito ng isang dalandan tsaka binalatan.

"Can't I ask what happened? Bakit ka nakipag-away?" Mahinahong tanong ng dalaga tsaka inabutan ng piraso ng dalandan ang nobyo, ngumanga naman si Bruce para isubo ito sa kanya ng babae na agad naman nitong ginawa.

"That asshole insulted my mother, like he really knows her well. Ang kapal ng mukha niya" sagot nito habang matalim na nakatingin sa kawalan.

"Really? If that so then really deserve what you've done" napatingin si Bruce sa babae nang marinig ang sinabi nito.

"You think so?" Naging tanong niya.

"Yeah, of course. Bruce look, me and my mother have differences a plenty of those. But once anyone insults her especially when it's in front me? Of course makikipag-away talaga ako, wala naman atang anak ang hindi gagawin iyon lalo na kung hindi totoo ang sinasabi ng iba tungkol sa magulang mo" mahabang paliwanag nito sa kanya, sa sinabing iyon ng dalaga ay tila ba gumaan ang pakiramdam niya, tila naramdaman niyang sa dami ng taong humuhusga sa kanya may nag-iisang taong nakakaintindi sa nararamdaman niya.

"Ano ngini-ngiti mo? Nakakatawa ba iyong sinabi mo? Do I have a dirt on my face?" Maureen asked when she noticed that Bruce is smiling. Umiling naman ang huli sa tanong ng nobya.

"No babe, natutuwa lang ako kasi naiintindihan mo ako. I hope my grandparents is like you, sana bago nila ako husgahan at pagalitan ay unahin man lang nilang intindihin ako" malungkot na turan ni Bruce.

"I'm the only one you have Bruce, ako lang ang kakampi mo dito, ako lang ang nakakaintindi sayo. Kaya if you have anything to say, don't hesitate to tell me, everything or anything kahit ano pa iyan makikinig ako" nakangiting turan ni Maureen na ikinatango naman ni Bruce.

"Anyways, kailan mo balak pumasok? Your teachers in different subjects probably searching for you, wag mo naman sana pabayaan ang studies mo, babe" pag-iiba ni Maureen ng usapan.

"Kapag pwede na akong lumabas bukas ay papasok na ako, don't worry. Gago lang ako pero matalino naman ako kahit papaano, mahahabol ko naman yung mga na-missed ko" totoo iyon, even Bruce is such a troublemaker guy, he's indeed a smart kid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now