SQ1: First Day!

18 3 0
                                    

Jazz's POV

Ilang segundo na akong nasa harapan ng isang classroom, the door is closed malamang. But I know there's someone in there already. I'm wearing my uniform, it's a shortsleeves white polo na medyo fit sa katawan, terno ito sa isang above the knee length pleated skirt na kulay itim, may isang guhit ito na kulay puti malapit sa laylayan at may bow pa sa may kwelyo, sa itsura ko para akong character sa mga anime. My sweater is on my bag, kung suot ko siguro yun halos kapantay niya ang palda ko pero dahil sa dress code ay di pwede.

Wondering why don't I open the door and enter the classroom? Well dahil kinakabahan ako, the pressure is keep on running all over my body. Buong gabi akong gising kakaisip kung bakit ako nasa section na ito, kung paano ako napasama sa section na ito, ano ang magiging buhay ko sa section na ito, paano ako makaka-survive sa section na ito at kung kailan ako makakatapos sa section na ito or kung sa section na ba na ito matatapos ang buhay ko?! A lot of questions and what ifs that I've been thinking since last night, no since the moment I saw my name on the list.

Ngayon palang nangangatog na ako dahil pangalan palang ng mga kasamahan ko sa klaseng ito ay tunog matatalino na, I'm sure matatalino talaga sila, kamusta naman ako?!

"Mind giving way to those willing to enter this shitty class?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita. I know him! Siya yung nakabunggo ko sa canteen.

Ngayon ko lang na-obserbahan ang itsura niya, he has white skin and pointed nose, his hair is fixed with wax parang papasok sa opisina lalo na't may suot siyang casual suit na navy blue ang kulay tapos may necktie pa siya which is kasama sa uniform nila. He looks too formal for a senior high school student. But wait, is that suit allowed?

"S-Sorry" nasabi ko tsaka gumilid, he just give me his cold stare atsaka binuksan ang pinto at pumasok. Nang makapasok siya ay huminga ako ng malalim atsaka buong loob na binuksan ang pinto ng silid.

The next thing I saw is amusing, 10 different faces are there. The eight of them looked at me yung nakasalubong ko ay nakatingin sa may bintana habang naka upo sa dulong bahagi ng classroom, may tatlo siyang katabi at nasa pinaka gilid siya. The person next to him is a guy with glasses, his hair almost cover his eyes dahil sa nakabagsak ito, he's wearing a loose black cardigan tanaw mo rito ang pagkakasuot niya ng necktie. Sa tabi naman niya ang isang pamilyar na hubog ng lalaki, he's napping on his armchair habang may nakatakip na puting bimpo sa ulo, I bet he's the guy I saw under the tree, yun nga lang ay may suot siyang hoodie jacket na military green ang kulay. At sa pinaka kanto naman ay isang lalaking naka-upo sa armchair habang naka medyo bukaka, his polo is open revealing a gray t-shirt inside of it, may hikaw siyang itim sa magkabilang tenga, his familiar siya yung lalaking nanunulak at nagsisisigaw nung entrance exam but now his hair is gray, gray yung parteng gitna na ngayo'y nakabrush up habang itim naman yung magkabilang gilid ng undercut niyang buhok.

Sa harapan nila ay may isang babae at isang lalaki. The girl has a short hair at may purple strand sa may bandang kanan, she's wearing a black choker and she's not wearing her bow, I know her also siya yung babaeng maangas sa may bulletin board nakasandal siya sa upuan sa may bandang kaliwa habang nakatingin sa akin. Yung lalaki naman sa tabi niya ay nakatayo lang at naka crossarm, he has long hair pero lalaking lalaki ang dating nito lalo na at maayos ang pagkakasuklay rito, he's wearing his uniform almost properly kung bakit Hindi totally or perfectly eh dahil sa naka tuck in tuck out ang polo nito, naka tuck in ang nasa kanan at ang sa kaliwa ay hindi agad ko ding napansin yung G-Shock niyang relo na kulay orange and bracelet, bracelet ba tawag doon? Basta!

Sa pinaka unahang raw naman ay makikita ang apat na tao, from the nearest left is a girl with a long curly brown hair pero naka low side ponytail ito, it was tied with a red mini scarf at may kunting buhok na ikinalukot na hindi sinama sa pagkakatali ng buhok niya, she's looking at her nails nang mapatingin ito sakin she's wearing a red lipstick and her uniform is not proper dahil sa nakatali ang laylayan ng blouse niya. Sa tabi naman niya ay isang lalaking may napakalawak na ngiti sa labi, his hair is divided into two on the side and it's brown, he's wearing a yellow hoodie na may design na Pikachu, he's actually wearing it's hood ng maabutan ko siyang nakaupo sa mesa niya habang nakapatong ang dalawang paa sa upuan. The girl beside him is such a good looking girl, I mean a very beautiful girl, she has black straight hair and reddish lips, she's smiling at me sweetly as she wave her hair gracefully, para siyang prinsesa kumilos but the most thing I first noticed on her is she's the only one who's wearing her uniform properly despite of wearing that fancy pastel pink jacket. And the last person is a girl with a..........same face as the girl who has a red scarf on her hair, she's putting powder on her face as she looked at me, itim ang buhok niya at nakalugay ito ngunit naka kulot ang dulong bahangi, di niya suot ang bow niya at nakabukas ang unang butones ng blouse but it's not exposing her spirit, may light blue siyang scarf sa may leeg niya kaya para siyang flight attendant na sobrang ganda.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now