SQ20: Aureum VS Anino

3 0 0
                                    

Third Person's POV

Malakas na ungol dahil sa sakit ang namayani sa pwesto ni Kiel at ng mga Qsters na kinakalaban niya, ang ingay na yun ay nagmula sa isang Qster na tinarakan niya ng dagger sa tagiliran.

"Hanga ako sa laki ng pinagbago mo, kayang-kaya mo na pumatay ngayon" sabi ni Anino na nasa likuran ng guro, bahagya siyang lumingin at nginisihan ito.

"Oo naman, lalo na kung ikaw ang papatayin. Anino" madiing turan nito, lalong dimilim ang presensya ng lalaking Qster bago tumalon sa ere at inatake ang guro.

Mabilis na nakailag si Kiel at tinapatan ang halimaw, nagpangbuno silang dalawa na parang mga mandirigmang eksperto sa pakikipaglaban, nang magkaroon ng pagkakataon ay gumawa ng smasher si Kiel tsaka umikot at hinampas ng pagkalakas-lakas si Anino dahilan upang tumilapon ito at bumaon sa bus na kaninang sinasakyan nila ng mga estudyante niya.

Hingal siyang pumosisyon, sinisigurado ang depensa para sa sunod na pagatake ng kalaban, nang di makaramdam ng kahit na anong kilos ay mabilis siyang tumakbo upang atakihin ang kalaban ngunit nang narating ang pwesto nito ay wala na ito dito.

"Mamatay ka na!" turan nito mula sa itaas, nang iangat ni Kiel ang kanyang tingin sa itaas ay nakita niya ang nagbabadyang pagsaksak sa kanya ni Anino gamit ang bakal na galing sa nasirang sasakyan.

Mabilisan siyang gumawa ng kalasag at sinangga ang atake, nang madepensahan ang kalaban ay gamit ang kanang kamay ay gumawa siya ng espada at sinaksak ang kalaban ngunit sadyang magaling din ito sa paggamit ng sandata at pakikipaglaban. Nagpatuloy ang kanilang sagupaan hanggang sa maputol ang mga bakal na gamit ni Anino sa pakikipaglaban.

"Sumuko ka na!" Utos sa kanya ni Kiel, unti-unting naglalaho ang kanyang mga hawak na sandata habang sinasabi ang mga salitang yun. Kasalukuyang puno ng sugat, galos, at pasa ang guro, may dugong dumadaloy na din mula sa kanyang labi at noo na gawa ng mga nakalaban niya kanina. Ganun din ang itsura ni Anino na bagamat gawa sa anino ang katawan ay nilalabasan ng dugo ang katawan.

"Papatayin muna kita, pagkatapos nun tsaka ako susuko at magpapakamatay din. Magpapatayan tayo hanggang sa kabilang buhay Kiel" nagtiim bagang si Kiel habang may dalawang arnis na gawa sa bakal na lumalabas sa kanyang magkabilang palad.

"Kung ganun magpatayan tayong dalawa" isang nakamamatay na tingin ang itinapon niya sa kalaban bago sila sabay na sumugod sa isa't-isa.

Nailagan niya ang unang suntok nito at sumunod na sipa, malakas niyang hinampas ng arnis ang ulo nito kasunod ng sikmura. Hahampasin niya sana ito ulit nang mahawakan nito ang kanyang kamay atsaka ito binali kaya naagaw sa kanya ang isang sandata. Muli silang nagespadahan hanggang sa nagawa niyang mapaluhod ito, tatayo na sana itong muli nang hampasin niya ulit ang likod nito at tinutukan ng bagong gawang espada ang batok nito.

"Patayin mo na ako, yun naman ang gusto mo diba?" Nahihirapang saad nito.

"Wag ka magalala, yun naman talaga ang gagawin ko" sasaksakin na sana niya ito nang biglang unti-unting nagbago ang anyo nito.

Naging balat ng tao ang balat nito, nagkaroon ng tainga sa kaliwang braso, ilong sa may bandang palad at mata sa may leeg. Ang ulo nito na kung saan dapat naroroon ang mga parte ng katawan na nabanggit ay nanatiling literal na blangko dahil sa walang kahit na anong nandito.

Nanlaki ang mata ni Kiel sa nakita. Hindi ito si Anino, hindi ito ang halimaw na may katawang anino at may kakayahang magtago rito.

"Maskara?" Maguguluhang sambit niya, nakita niyang ngumisi ang labi nitong nasa kanyang dibdib atsaka ito nagsalita.

"Kilala mo pa ako?" Sabi nito atsaka tumawa "natutuwa akong nakikilala mo pa ako, pero nakakatampo ka dahil di mo agad napagtantong hindi ako si Anino. Mas gwapo ba siya sakin Kiel?" Humigpit ang hawak ng guro sa kanyang kalaban.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now