SQ13: 6

4 0 0
                                    

Jazz's POV

"Ano ba yan! Nawawala kayo sa tono, atsaka ano ba yan bat nabubulol pa rin kayo sa mga lyrics?!" Iritableng reklamo ni Clarenet, halos kalahati kasi samin ay di pa kabisado ang mga linya namin tas medyo nakakabulol pa.

"Pasensya ka na ha, di kasi kami koreano. Ito lang kami parang kasalanan pa namin" kunot noong singhal ni Sum kay Clarenet.

"Ikaw Calisto wag mo akong pinipilosopo ah, pagod na ako!" Balik sa kanya nito atsaka tumayo marahas ding tumayo si Sum at hinarap siya.

"Bakit kami ba hindi pagod?"-Sum.

"Hey guys enough, ano ba kayo" paggitna ni Chanel sa dalawa.

"Tanginang contest kasi yan, pwede namang english or tagalog kantahin chingchong pa talaga ang gusto nila, parang mga bobo" reklamo din ni Bruce.

"Hey, your words aren't nice. But it's cool to hear can you say it again?" Sabi ni Clyde kaya napalaki ang mata ko.

"Clyde!" Saway ko dito kaya ngumuso siya.

"I guess we need a break, drink water and rest your throats" sabi ni Sketch na tinanguan naming lahat, kanya-kanya kaming pumunta sa mga bag namin at uminom ng tubig.

Habang nainom ng tubig ay nahagip ng mga mata ko ang usok na nagmumula sa isang barbequehan kaya agad kong kinuha ang coin purse ko.

"Uyy lalabas ako saglit, may ihaw-ihaw kakain lang ako saglit" paalam ko sa mga kasama ko.

"Uyy teka sama ako, gusto ko ng betamax" biglang tayo ni Sum na ginawa din ni Clarenet.

"May adidas kaya? Parang masarap kumain nun" sabi nito habang kinukuha wallet niya.

"Kain tayo?" Tanong ni Thorn kay Axis at tumango naman ito.

"Can we go too? Ano ba yung mini-mean niyong mga food?" Tanong ni Chanel habang hawak ang wallet niya na halatang mamahalin, handbag na ata yan eh.

"Ay oo, tara dali kakain tayo" hila ko sa kanya.

"Hey sama ako" parang batang humabol samin si Clyde.

"Ate magkano po sa isaw?" Tanong ko habang namimili sa mga isaw ng manok sa loob ng malaking topper ware.

"Limang piso isang stick hija" sagot ng ale.

"Ah sige po, pabili po ng apat tsaka dalawang tenga" sabi ko.

"Sige sampo ang isa diyan" sabi nito tsaka inilagay sa ihawan ang mga napili ko, namili din ang iba ng mga bibilhin nila.

"How much is this po?" Conyong tanong ni Chanel sabay turo sa hotdog kaya natameme ako.

"Teh nasa ihawan ka lang wala ka sa fine dining restaurant kaya wag kang ganyan magtalk" saway ko dito na ikinatawa namin.

"Dose ang hotdog nak" sagot ulit ng ale.

"I want hotdog too" singit ni Clyde.

"Oh you like it also? Sige I'll pay for you" dudukot na sana si Chanel nang hawakan ni Clyde kamay niya.

"No I'll pay for it" nakangiting sabi nito.

"No ako na" pangungulit ni Chanel.

"No it's on me" pagsalungat ni Clyde kaya medyo napangiwi na ako, nagulat nalang ako nang may sumulpot na kamay sa harapan nila at naglagay ng dalawang stick ng barbeque sa ihawan. Nagabot ito ng limang daan sa ale.

"I'll pay for all they'll get, and you guys must stop being annoying. You're manifesting bad vibes on others' business" masungit na sabi nito, wait pay for all they'll get? So ibig sabihin pati yung akin?

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now