SQ16: Truth Will Find It's Way Out

2 1 0
                                    

Jazz's POV

Axis sang the last line and we ended our performance with a fierce look to the audience and their reactions made me shock, halos lahat sila ay nakatayo at nagsisigawan, cheering the names of each members of our class.

"Axis is no longer a baby, but a daddy na!"

"Bruce pwede mo na akong anakan!"

"Baby, Chanel I love you!"

"Clyde is so cute, marry me now"

"Clarenet, Mahal. Pakasal na tayo!"

"Whoo! Sum pede ka bang iuwi!!"

"Summer my love umuwi na tayo!"

"Jazz pakasalan mo ako!!"

"Winter mahal na talaga kita!"

"Sketch I love you more than my father!"

"Thorn, spank me daddy!! Urgh!" Nanlaki ang mga mata ko sa mga naririnig ko, nakakaloka bakit may pagpapakasal?

"Annoying creatures" madiing bulong ni Sketch kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at pwersahan ko siyang hinila ganun din si Clarenet na nasa kabilang gilid ko. Humilera kami at naghawak-hawak kamay tsaka nagbow sa kanila pero nang maiangat ang aming mga ulo ay nagulat kami sa sumunod na nangyari, sabay-sabay kaming napalingon sa aming itaas nang makarinig ng kakaibang tunog, naningkit ang mga mata ko nang marinig ang pagugong at pagtunog ng ibabaw ng entablado, ang mga ilaw ay nagsimulang magpatay-sindi at ang mas nakakagulat ay ang pagputok ng dalawa sa mga ito na siyang ikinabilog ng mga mata ko. Nagsimula kaming maalarma at ang mga nanonood ngunit hindi lang pala doon natatapos ang lahat dahil tuluyang pumutok ang ibang ilaw at mga kable kasabay ng paghulog ng ibabaw ng entablado.

"DAPA!" Sketch shouted at hinila kami paatras, hinatak niya ako at inalayayan pababa ng entablado.

"Jazzy!" Dinig kong tawag ni Chanel kaya babalikan ko na sana siya nang patuloy akong hatakin ni Sketch, I saw Clyde hugged and assist Chanel pababa ng stage kaya di na ako nagpilit.

Nagsigawan ang mga tao dahil sa nangyari, ang iba naman ay nag nagtakbuhan at nagalisan pa sa mga pwesto nila.

"Shit" dinig kong sambit ng isa sa mga kaklase ko at nang lingunin ko kung sino yun napagtanto kong si Bruce yun, nagdudugo ang kanang braso niya.

"Oh my god!" Reaksyon ni Summer tsaka madaliang kumuha ng tela sa kung saan at itinapal ito sa sugat ni Bruce, nabigla man ako sa naging aksyon niya pera mas nakuha ng sugat ni Bruce ang atensyon ko.

"That looks painful" komento ni Clyde, lumapit si Chanel kay Bruce tsaka nagtanong.

"Bruce are you okay? Anything else na masakit?" Tanong nito.

"Tss, wala toh! Ang oa niyo para sugat lang. Wag kayo magalala malayo ito sa bituka" iritang sabi niya.

"Except from Asuncion is there anyone in hurt?" Tanong ni Sketch kaya nagtinginan kami, pero wala namang ibang nasaktan.

"Class! Ayos lang ba kayo? May nasaktan ba?" Nagaalalang tanong ni Sir. Kiel na halos makipagsiksikan pa sa mga kumpol ng tao.

"Si Bruce lang ang nasugatan Sir, maliban sa kanya okay naman kaming lahat" sagot ni Sum.

"Sir ano nangyari? Ano yun? Nagkataon lang ba o talagang may nanadya na mabagsakan kami ng stage?" Kunot noong tanong ni Clarenet.

"Hindi naman siguro, baka naman nagkataon lang. Maybe nagkaroon lang ng malfunction sa mga kagamitan" sabi ko.

"Yeah, maybe it's just an accident" pagsang-ayon ni Chanel.

"Or maybe it's not, kung malfunction ang paguusapan edi sana kanina pa natin napansing may kakaiba" pagsalungat ni Thorn.

Specimen Q (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon